Home Celebrities Panayam kay Bea Alonzo tungkol sa isyu ng “loyalty” matapos lumipat sa GMA pinag uusapan

Panayam kay Bea Alonzo tungkol sa isyu ng “loyalty” matapos lumipat sa GMA pinag uusapan

0

Nagsalita ang aktres na si Bea Alonzo matapos kuwestiyonin ng ilang netizens ang kanyang “loyalty” dahil sa paglipat niya sa GMA-7.

Sa isang panayam, nagbigay siya ng opinyon tungkol sa mga artista na tumatanggap ng mga proyekto sa iba’t ibang network.

“Ang akin kasi everyone has been loyal to ABS and sa totoo lang ABS is so gracious for giving us jobs, giving us our careers, but we also worked hard to have our careers, we also need sacrifices to get here,” ani Bea.

“It’s not like it was just handed to us diba? But ABS, has been so nice and kind in giving us projects kahit na may mga panahon na we messed up,” dagdag niya.

“But syempre iba iba tayo ng personal na pinagdadaanan and feeling ko syempre I think I will get into trouble by saying this but syempre its not fair to measure one’s loyalty just because that person did one show in TV 5 or ano,”

Ayon sa kanya ay hindi dapat husgahan ang mga artista na gumagawa ng proyekto sa iba’t ibang network dahil iba iba naman daw ang pangangailangan nila at ng mga pamilya nila.

“Hindi natin alam kung ano ang pinagdadaanan nila,” sabi ni Bea.

Matatandaan na inanunsyo ng GMA-7 ang paglipat ni Bea sa kanilang istasyon na kinuwestiyon naman ng ilang fans ng ABS-CBN dahil ang Kapamilya network daw ang dahilan kung bakit nagkaroon ng career ang aktres.

Kinuwestiyon din ng isang direktor kung bakit umalis parin si Bea sa ABS-CBN kahit na mayroon naman siyang proyekto dapat doon na tinanggihan niya.

Noong Mayo pa lamang ay napapabalita na ang posibleng paglipat ni Bea sa GMA.

 

Facebook Comments