Home Celebrities Willie Revillame, sinagot ang mga paratang na nabuntis niya si Herlene “Hipon Girl” Budol: “Mahiya naman kayo”

Willie Revillame, sinagot ang mga paratang na nabuntis niya si Herlene “Hipon Girl” Budol: “Mahiya naman kayo”

0

Sinagot ni Willie Revillame ang mga kumakalat na balita sa social media na kaya daw hindi nagpapakita ang dati niyang host na si Herlene Budol o mas kilala bilang ‘Hipon Girl’ ay dahil nabuntis niya ito.

Kanina ay hindi na nakapagtimpi pa si Willie at nilinaw na hindi totoo ang mga kumakalat na balita.

“Natsitsismis ho nagkaanak daw ako kay Hipon at buntis daw. Hindi totoo ‘yan. Puro fake news ang ginagawa niyo,” ani Kuya Wil.

“Pati kay Kris Aquino. Mahiya naman kayo. Huwag kayong maniwala dyan. Pati mga taong nanahimik,” dagdag niya pa.

Kahit na medyo seryoso ang mga akusasyon sa kanya ay nagawa paring magbiro ni Kuya Wil tungkol sa nasabing balita.

“Kaya daw nawala si Hipon nabuntis ko. Ano magiging anak namin… hipon?” pabirong sabi ng television host.

Saan nga ba nangagaling ang mga sukdulang pekeng balita na kumakalat sa social media tungkol sa ilang artista dito sa Pilipinas?

Ayon sa aming pagsasaliksik ay may mga ilang grupo mula ibang bansa ang nagpapalawig ng kanilang social media presence dito sa ating bansa sa pamamagitan ng pag gamit ng mga pangalan ng sikat na personalidad.

Katulad na lamang ng mga page na makikita natin sa ibaba, kung saan ay nagawa ito ng mga balita na wala namang katotohanan.

Makikita rin ang isang page na “Raffy Today” kung saan ay ibinalita din nila ang tungkol sa pagkakabuntis daw ni Hipon Girl kay Willie.

Ang page na Raffy Today at Showbiz News Update ay parehong ibinabahagi ang website na tv5s.com.

Ayon sa page transparency ng mga nasabing page ay nakatira ang may ari nito sa mga bansang Indonesia at Vietnam.

Eto pa ang ilang page na naka konekta sa tv5s.com.

Hindi pa sigurado kung magsasampa ng reklamo si Willie sa mga otoridad para mahuli ang mga nagpapakalat ng nasabing balita.

 

Facebook Comments