Home Celebrities Manny Pacquiao may inamin: “I’m a politician. All politicians are dreaming for a higher position”

Manny Pacquiao may inamin: “I’m a politician. All politicians are dreaming for a higher position”

0

Mayroong inamin ang eight-division world boxing champion at Senador na si Manny Pacquiao tungkol sa mga gusto niyang maging plano sa public service.

Sa isang panayam, inamin niya na lahat ng politiko katulad niya ay nangangarap ng mas mataas na posisyon sa gobyerno.

“I’m a politician, all politicians are dreaming for the higher position,” ani Pacquiao na pumasok sa politika noong 2007.

Ayon sa kanya ay ilalahad niya ang kanyang plano pagkatapos ng kanyang laban kay Errol Spence na gaganapin sa Agosto 21 sa Las Vegas.

“I’m going to announce (my decision) in the proper time, maybe after the fight.” sabi niya.

Hindi niya rin daw po-protektahan si Duterte mula sa magiging desisyon ng ICC, isang korte sa ibang bansa kung sakali man na siya ang maging susunod na Pangulo.

“All of us are bound to the law,” paliwanag ni Pacquiao.

Matatandaan na nagkaroon ng hidwaan sa pagitan niya at ni Pangulong Rodrigo Duterte dahil sa diumano’y nangyayaring korapsyon sa kasalukuyang administrasyon.

Sinubukang pumasok sa politika ni Pacquiao noong 2007 bilang representate ng 1st District ng South Cotabato ngunit natalo ito ni dating alkalde ng General Santos na si Darlene Custodio.

Nagtagumpay naman si Pacquiao na magkaroon ng posisyon sa gobyerno matapos siyang lumipat ng Saranggani at doon tumakbo bilang kongresista.

Noong 2015 naman sinubukan pumasok ni Pacquiao sa Senado at nagtagumpay naman siya.

Ngayong taon ay inaasahan na isa si Pacquiao sa mga susubukan na maabot ang pinakamataas na posisyon sa gobyerno.

Facebook Comments