Monday, September 26, 2022
HomeCelebritiesABS-CBN director Erick Salud, may patama kay Bea Alonzo: "Arte! Naghihirap ba...

ABS-CBN director Erick Salud, may patama kay Bea Alonzo: “Arte! Naghihirap ba siya?”

Tila hindi nagustuhan ng Kapamilya director na si Erick Salud ang desisyon ng aktres na si Bea Alonzo na lumipat sa GMA-7.

Sa isang tweet, hindi man binanggit ni direk Erick ang pangalan ni Bea ay halata naman na ang aktres ang pinaparingan nito.

Ayon sa kanya ay mayroon namang proyekto noon si Bea sa ABS-CBN ngunit hindi ito itinuloy ng aktres dahil sa nangyayari sa bansa ngayon.

Matatandaan na mayroon sanang upcoming teleserye si Bea sa ABS-CBN kasama ang aktor na si Richard Gutierrez.

Larawan mula sa Instagram at Pep.ph

Nagtataka tuloy ang direktor kung naghihirap na nga ba si Bea para tanggapin ang kontrata niya sa GMA-7 at iwan ang ABS-CBN na naging tahanan ng aktres sa loob ng dalawang dekada.

Binanggit din ng direktor ang 16-hectare farm ng aktres sa Zambales na itinampok niya sa isang vlog.

“Bakit kaya? May project siya na nasimulan at na-promote na prior to pandemic. Tapos sey niya, ‘di pa siya ready mag-shooting. Ayun pala lilipat. Aaaarte! Naghihirap ba siya? E, may big farm nga. Kaloka siya!” ani Erick.

Hati naman ang reaksyon ng mga netizens sa tweet ni Erick.

Ayon sa ilang netizen ay may karapatan si Bea na pumili kung saan siya pupunta.

“Kay regine nyo sabihin yung loyal loyal kung iapply nyo kay bea yung salitang loyal. Ganun din kay angel. So yung logic kapag sinabi mong ingrata si si bea, si regine at angel ganun din? Hindi dapat ganun. Mga artista yan need kumita ng malaki. Trabaho yan eh. Kagaya natin kung may chance tayong kumita ng malaki eh di syempre pipiliin mo yun.” sabi ni Keith San Antonio.
“I think may karapatan namang lumipat si bea kung yun ang choice nya pero may karapatan ding mag rant si Direk Erik Salud kasi parang pinaasa sya ni Bea eh. Sana dineretso nalang na sinabi ni bea na lilipat sya noon para di ganun kabigat kay direk at sa buong cast ng show. For sure medyo may nagastos narin ang production team kaya naiinis si direk kasi back to zero ulit ang production.” komento naman ni Jules LLamelo.

“ANO BANG PAKEALAM NYO KUNG GUSTO LUMIPAT NG MGA ARTISTA SA IBA?? JUSKO NAPAKA BIG DEAL BA SAINYO NYAN? BUHAY NYA YAN WAG NYO NALANG PAKEALAMANAN. KUNG GUSTO NYO SA ABS CBN EDI MAG AUDITION KAYO MAG STAY KAYO DON HANGGANG SA HULING HININGA NYO. KANYA KANYANG DESISYON LANG YAN” saad naman ni Alyssa Hinolan.
Inanunsyo kahapon ng GMA-7 ang paglipat ni Bea at ipinakita din sa publiko ang contract signing sa pagitan ng aktres at ng istasyon.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular