Home Celebrities Scottie Thompson, ikinasal sa ibang babae matapos makipaghiwalay sa kanyang fiancé

Scottie Thompson, ikinasal sa ibang babae matapos makipaghiwalay sa kanyang fiancé

0

Nasupresa ang mga fans ng Barangay Ginebra basketball player na si Scottie Thompson matapos siyang ikasal, hindi sa kanyang fiancé na si Pauline Fajardo kundi sa ibang babae.

Sa isang pribadong seremonya sa Las Pinas ay ikinasal si Scottie sa stewardess at influencer mula Pampanga na si Jinky Serrano.

Naging usap usapan ang pagpapakasal ni Scottie kay Jinky dahil narin sa naging viral noon ang proposal niya sa long-time girlfriend niya noon na si Pauline na nangyari noong nakaraang New Year’s Eve lamang.

Noong Linggo lamang inamin ni Scottie na hiwalay na sila ni Pauline kaya naman madaming netizens ang nagulat ng magpakasal siya sa ibang babae.

“Ako yung dahilan bakit kami naghiwalay, nagkamali ako, magpapakalalaki ako tanggapin ko lahat ng ibabato ninyo sakin na masasakit na salita,” ani Scottie.

Hindi naman napigilan ng mga netizens ang magbigay ng kanilang sariling komento tungkol sa isyu.

Ayon sa kanila ay maaring may mabigat na dahilan si Scottie kung bakit mas pinili niyang magpakasal sa ibang babae.

“Oks lang ‘yan wala naman tayong alam sa totoong nangyari. Di palaging papabor sa’tin ang panahon. Marahil ginusto nila ‘yan. Nakakadismaya man ang mahalaga masaya s’ya kung ano man ang nangyayari ngayon.” ani netizen Marvin Bustarde.

Pero may ilan parin ang hindi natuwa sa ginawa ni Scottie at kumampi sila sa dati nitong nobya.

“Breaks my heart for Pau! Yung tao na nandun nung nagsisimula ka palang til nung successful ka na tapos nagpropose ka pa..after 2 months ng hiwalayan nyo nagpakasal ka na? Like huh?! What a BS..truly a betrayal! Namiss na cguro mag basketball kaya rebound kung rebound,”

Sa ngayon ay hindi pa nagbibigay ng pahayag si Pauline tungkol sa pagpapakasal ng kanyang dating nobyo.

Facebook Comments