Home Celebrities Pagkikita ni John Lloyd Cruz at anak niyang si Elias, naging makapagbagbag-damdamin

Pagkikita ni John Lloyd Cruz at anak niyang si Elias, naging makapagbagbag-damdamin

0

Maraming netizen ang naantig sa isang video kung saan makikita ang Kapuso aktor na si John Lloyd Cruz kasama ang anak niyang si Elias.

Sa nasabing video sa Instagram ay makikita ang tila pagka-miss ni John Lloyd kay Elias na anak nito sa aktres na si Ellen Adarna.

Nangyari ang pagkikita nitong nakaraang Father’s Day.

Hindi naman maitatangi na sobrang sweet padin ni Elias sa kanyang ama kahit na hindi niya ito lagi nakakasama dahil nasa kustidiya ito ng kanyang ina.

“Such a sweet boy! Papa was expecting a high 5, he gave him a kiss instead.” ani @jlc_bea4ever sa isang Instagram post.

Umabot ng libo libong views ang nasabing video mula sa mga netizens.

Matatandaan na madaming netizen noon ang nag alala na baka maapektuhan ang relasyon ni Elias at John Lloyd dahil sa panibagong relasyon ni Ellen.

Makikita sa ilang social media post na laging kasama ni Elias ang fiancé ng kanyang ina na si Derek Ramsay.

May isang netizen pa nga ang nagpakita ng pag aalala kay John Lloyd noon dahil sa tila malapit na malapit na sa isa’t isa si Elias at Derek.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by JLC_BEA4EVER (@jlc_bea4ever)

Abala ngayon si John Lloyd ngayon sa kanyang pagbabalik showbusiness sa ilalim ng Kapuso network.

Kinumpirma din ni John Lloyd na lalabas siya sa isang primetime serye sa GMA-7 ngunit hindi pa siya nagbibigay ng kumpletong impormasyon tungkol dito.

Ilang taon ding nawala sa showbiz si John Lloyd na kilala bilang isa sa mga pinakamagaling na aktor ng kasalukuyang henerasyon.

Facebook Comments