Home Celebrities Netizens pinag usapan ang malaking pinagbago ng mukha ng internet celebrity na si ‘Mader Sitang’

Netizens pinag usapan ang malaking pinagbago ng mukha ng internet celebrity na si ‘Mader Sitang’

0

Maraming netizens ang nagulat matapos nilang makita ang itsura ngayon ng 60 anyos na transgender Thai internet celebrity na si Mader Sitang o Sitangsu Buathong sa totoong buhay.

Sa isang post sa social media, inanunsyo ng Lelux Hospital sa Thailand ang ginawa nilang operasyon kay Sitang upang matupad daw ang kagustuhan nito na magkaroon ng mas magandang mukha.

Ipinakita naman ni Sitang ang proseso ng kanyang mukha bago at matapos ang operasyon na kanyang pinagdaanan.

Makikita sa mga larawan ang sobrang pamamaga ng mukha ni Sitang dahil sa operasyon.

Litrato mula kay Mader Sitang at Pep.ph

Dahil din sa kanyang operasyon ay kailangan din ng internet sensation ng katulong kapag siya ay may gagawin katulad ng pagkain.

Hindi naman siya pinabayaan ng kanyang asawa na nagtatyagang alagaan siya.

 

Marami ngayong netizen ang nag aabang kung magkakaroon ba ng improvement sa itsura ng internet sensation.

Sumikat si Sitang sa Pilipinas dahil narin sa kanyang kakaibang itsura at madami din ang nag akala na isa siyang Pilipino.

Nabawasan naman ang popularidad niya sa Pilipinas matapos maging kontrobersiyal ang kanyang pagbisita dito noong 2018.

Ayon sa producer noon na si Wilbert Tolentino ay humingi siya ng tulong sa Bureau of Immigration para hindi na makapunta muli ng Pilipinas si Sitang.

Hindi diumano kasi sinunod ni Sitang ang agreement sa pagitan niya at ni Wilbert at nanghingi pa daw ang internet sensation ng karagdagang bayad sa kanya katulad ng bahay at lupa.

Sinubukang makipagbati ng kampo ni Sitang kay Wilbert ngunit hindi na ito pinagbigyan pa ng producer.

 

 

Facebook Comments