Home Celebrities Randy Santiago, ibinunyag kung bakit hindi siya nag aalis ng kanyang salamin

Randy Santiago, ibinunyag kung bakit hindi siya nag aalis ng kanyang salamin

0

Sinagot ng singer, aktor at television host na si Randy Santiago ang isa sa mga pinaka popular na tanong ng mga tao tungkol sa kanya.

Sa tagal kasi sa showbiz ni Randy ay lagi lamang siyang nakikita ng mga netizens na nakasoot ng salamin.

Kahit sa internet ay makikita na naghahanap din ang mga netizens ng litrato ng singer na wala itong soot na shades ngunit bigo silang mahanap ito.

Sa panayam sa kanya ng Magandang Buhay, nilinaw ni Randy na hindi dahil sa pagkakahulog niya sa motorsiklo ang dahilan kung bakit siya nakasoot lagi ng salamin.

Ayon sa kanya ay ang totoong dahilan ng pagsosoot niya ng salamin ay ang nangyaring operasyon sa kanyang mata noong siya ay Grade 2 student pa lamang.

“Gusto niyong malaman ang tunay na nangyari sa mata, ito totoo kasi yung iba akala nila nahulog ako sa motorsiklo. Ang totoong nangyari sa mata ko, noong grade 2 ako nagkaroon ng cys𝔱 yung buk𝔬l sa may taas ng mata ko so the very first operati𝔬n okey naman so kailangan ko umulit ng grade 2.” ani Randy.

Dahil lumabas muli ang cyst sa kanyang mata kaya’t kailangan siyang dumaan sa isa pang operasyon.

Matapos ng operasyon na ‘yon ay hindi na maibuka ng maayos ang isa niyang mata.

“Tapos lumabas na naman yung cyst so inoperahan na naman. Dun nadale yung parang pang kurtina yung pang bukas sa kurtina, yun yung parang nadale nung Doktor kaya hindi na bumaka ng, bumubuka pa naman kahit papano.” kwento niya pa.

Kahit na naging ganoon ang kondisyon niya ay hindi niya naman ito dinadamdam bagkus ay ginagawa pa niya itong biro.

“Kaya pag tinatanong nila, ano yang mata mo 20-20 ba yan, hindi 20-10.” sabi ni Randy.

Sa ngayon ay abala siya bilang host sa programang Sing Galing ng TV5 kasama si K Brosas at Donita Nose.

 

 

Facebook Comments