Home Celebrities Idol Raffy, binatikos ang IATF: “Gumagawa sila ng batas para masabing may ginagawa sila!”

Idol Raffy, binatikos ang IATF: “Gumagawa sila ng batas para masabing may ginagawa sila!”

0

Hindi na nakapagpigil pa ang mamamahayag na si Raffy Tulfo ang binanatan nito ang IATF dahil sa mga ginagawa nitong batas na diumano’y nagpapahirap lamang sa publiko.

Sa kanyang programang Raffy Tulfo in Action (RTIA) inisa isa ni Tulfo ang mga ‘sablay’ na programa ng IATF para sa publiko, kasama na dito ang motorcycle barriers at ang pagbabawal sa mga mag asawa na magka holding hands sa publiko.

“Hindi nila pinag iisipan, classic na example, ‘yung barrier sa mga motorsiklo, hindi nila pinag isipan ‘yon. Hindi ba katawa-tawa ‘yon? And later on kailangang bawiin dahil nagkakadisgrasyahan na,” ani Tulfo.

“Hindi napag isipan. Gumagawa lang sila ng batas para lang masabing may ginagawa. Para lang masabi na they are still there,” dagdag pa niya.

Dito na inumpisahan ni idol Raffy ang usapan tungkol sa kontrobersiyal na face shield policy.

Hinamon niya ang IATF na patunayan na epektibo talaga ang face shield gamit ang siyensiya.

Pinaalala ng mamamahayag na mahihirap ang ginagawan ng batas ng IATF at hindi ang mayayaman na makakabili araw araw ng face shield.

Hinimok naman ni Raffy na wag ng ipilit pa ang face shield policy sa bansa dahil madami ang nahihirapang mga ordinaryong Pilipino dito.

Naging source din daw ng korapsyon ang face shield dahil ginawa lamang itong negosyo.

“Kayo diyan sa IATF, pikon na pikon na talaga ang mga tao sa inyo,” paalala pa ng mamamahayag.

Matatandaan na nalito ang publiko dahil hindi malaman kung ititigil na nga ba ang polisiya sa face shield o hindi.

Hindi pa nagbibigay ng pinal na pahayag ang IATF kung ano ang magiging desisyon nila ngayong inuulan na ng batikos ang face shield policy nila.

Facebook Comments