Home Celebrities Nina Jose, tila napupuno na sa mga pumupuna sa agwat nila ng kanyang asawa: “Nakakasawa na maging mabait!”

Nina Jose, tila napupuno na sa mga pumupuna sa agwat nila ng kanyang asawa: “Nakakasawa na maging mabait!”

0

Tila hindi na natuwa ang dating Pinoy Big Brother housemate na si Nina Jose-Quiambao sa mga taong patuloy na pinupuna ang kanyang relasyon.

Matatandaan na may ilang netizen ang kumutya kay Nina dahil sa layo ng kanyang agwat sa asawa niya na si Mayor Cezar Quiambao ng Bayambang, Pangasinan.

35 taon ang agwat ni Nina at kanyang asawa.

Nagtataka siya kung bakit may mga tao na pilit pinanghihimasukan ang kanyang buhay.

“Unang una Bakit ba Ang dami nakikialam sa buhay ko? Hahahaha nakakatawa Kayo!!!! Hahahaha tinalo nyo pa pamilya namin and mga kaibigan,” ani Nina sa kanyang Facebook post.

“Sige pa sa mga bumabatikos sakin, more pa!!! para more blessings ako from God,” dagdag niya pa.

Ayon kay Nina ay pinipilit niya na lamang pakalmahin ang kanyang sarili.

“Minsan nakakasawa na din maging mabait, yung Hindi papatol sa mga kung Ano ano, yung Tatahimik lang.. Pero kung sumagot ka naman Ikaw masama? San ka lulugar diba? Nakakapagod and nakakasawa din talaga… Pero naalala ko na andyan Ang Diyos para sakin, he will forever give me strength and carry me when I cannot handle things… #keepingthefaith.” sabi niya.

Nanindigan naman siya na hindi niya tinitignan ang edad ng kanyang asawa dahil hindi naman ito ang basehan ng pagmamahal niya dito.

“But in general, love is beyond age, color, and many other things. Love is a CHOICE. When you accept a person for who he or she is and commit yourself to grow together!” saad niya.

Sinabi niya pa na masaya siya sa piling ng kanyang asawa.

“It is all part of His plan and He is continuously guiding our marriage and our life through His loving grace. So again to all the people who appreciate us, thank you so much for seeing beyond the fact that we have a huge age gap and just plainly loving us for who we are. And to those who have something to say about us, may God bless you with a genuine love like ours so you will finally know what it feels!,” 

Madami namang netizen na naaliw sa kanilang vlog ang nagpakita ng suporta sa mag asawa.

Facebook Comments