Home Celebrities Bayani Agbayani ikinuwento ang hirap niya sa buhay noon: “Nagkargador ako sa Divisoria”

Bayani Agbayani ikinuwento ang hirap niya sa buhay noon: “Nagkargador ako sa Divisoria”

0

Ibinahagi ng komedyante at singer na si Bayani Agbayani ang kanyang naging karanasan sa buhay bago niya makamit ang tagumpay.

Sa panayam sa kanya ni Aster Amoyo, ikinuwento ni Bayani ang kanyang mga naging pagsubok sa buhay noong kanyang kabataan.

Tatlong taon pa lamang daw siya ay nawala na ang kanyang ama kaya naman puro kahirapan ang kanyang naranasan noon sa buhay.

Ngunit hindi daw sumuko si Bayani na abutin ang kanyang pangarap na makapagtapos ng pag aaral kaya naman ay naging kargador ito sa Divisoria.

“Nagkargador ako sa Divisoria, pinag-aral ko sarili ko. Gusto kong mabigyan ng magandang buhay nanay ko bago man lang siya pumanaw,” sabi ni Bayani.

Nakapagtapos ng Mass Communications si Bayani, ngunit hindi na siya nagkaroon ng graduation picture dahil wala naman itong pera pambayad.

Umutang pa nga siya para lamang may masoot siya sa kanyang graduation noon.

“Pag graduate ko, wala akong picture kasi wala naman ako’ng pambayad eh,” kwento niya.

Matapos ang kanyang pag aaral ay dito na pumasok si Bayani sa showbusiness kung saan ay nagkaroon siya ng trabaho bilang prop man sa isang programa sa telebisyon.

Matapos ang ilang taon ay naging manunulat siya, hanggang sa siya’y maging komedyante.

Ibinahagi niya din ang kanyang paniniwala sa iba’t ibang isyu ng bansa.

Naniniwala siya na ang kasalukuyang sistema ng bansa ay naka akma para sa mga korakot na opisyal kaya naman kailangan itong baguhin.

Matatandaan na naging sikat si Bayani noong 2004 dahil sa kanyang novelty song na “Otso Otso” na naging patok sa buong bansa.

 

 

Facebook Comments