Home Celebrities Maria Carmela “K” Brosas, tumanggi na magpasalamat kay Duterte matapos siyang magpabakuna

Maria Carmela “K” Brosas, tumanggi na magpasalamat kay Duterte matapos siyang magpabakuna

0

Pinanindigan ni Maria Carmela Brosas o mas kilala bilang ‘K Brosas’ ang kanyang pagiging kritiko ng gobyerno.

Sa kanyang Instagram post, ibinahagi ni K na nakatanggap na siya ng bakuna mula sa programa ng gobyerno.

Dahil kilalang kritiko ng gobyerno si K ay may ilang netizen ang hindi maiwasan na tuksuhin ang singer at komedyante.

Sabi ng isang netizen ay hindi daw ba magpapasalamat si K sa pinuno ng bansa na ilang beses niya ng binatikos noon.

 “Wala bang Salamat Duterte dyan?” tanong ng isang netizen.

Sagot naman ni K, hindi naman galing sa Pangulo ang bakuna na kanyang natanggap.

“Salamat at nagbabayad ako ng tax ko so thanks to myself hehe. Wish ko sana all may bakuna na, bow. kung wala pa kayo magtanong sa dapat tanungin kc libre ito (dapat lang),” ani K.

Matatandaan na ilang beses ng binatikos ni K ang pinuno ng bansa gamit ang kanyang social media account.

Noong nakaraang taon ay tinawag na “walang kwenta” ni K ang State of the Nation Address ng Pangulo.

“May joke ako about SA sona.. kaso wag na Lang pala kc walang kwenta,” sabi niya sa isang tweet.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Carmela Brosas (@kbrosas)

Umabot din sa punto na may ni-report siyang isang kritiko niya sa employer nito.

Paalala niya din noon sa mga netizens, “bumoto ng tama” sa susunod.

“Ang natutunan ko din, just to be very honest, matuto tayong magparehistro at bumoto ng tama,” mensahe niya sa mga netizens.

Facebook Comments