Home Social Media Ilang netizens, binatikos dahil sa sinayang nila ang container ng ‘BTS meal’

Ilang netizens, binatikos dahil sa sinayang nila ang container ng ‘BTS meal’

0

Sikat na sikat sa social media ngayon ang usapin tungkol sa ‘BTS Meal’ isang espesyal na promo ng isang sikat na fast food restaurant sa Pilipinas.

Libo libong fans ng K-Pop group na Bangtan Sonyeondan o BTS ang nakigulo sa nasabing promo kung saan ay tinuring nilang ‘collectibles’ ang lahat ng parte ng nasabing meal.

May ilan pa nga na inilagay sa frame ang mga container at paper bag na kasama sa BTS Meal.

Kaya naman ilang netizens ang inulan ng batikos mula sa mga fans ng BTS dahil sa ginawa niyang pagsasayang sa mga lalagyan na nakuha nila sa meal.

Sa ilang litrato sa social media ay makikita ang ilang BTS meal na nilukot at ibinasura ng ilang netizens.

May isang netizen pa nga na ipinakita kung paano niya sunugin ang BTS Meal na hinahanap hanap ng libo libong fans ng nasabing K-Pop band.

Samantala ay inanunsyo naman ng isang food delivery service na kanilang sususpendihin ang mga rider nila na makikisali sa mga mangungutya sa BTS meal.

“Inclusivity is one of Grab’s core values, and we have zero-tolerance policy for inexcusable behaviors. We have immediately suspended the delivery partners in question and will continue to work hard to maintain an inclusive and diverse platform,” sabi ng nasabing kumpanya.

Nag umpisa ang tila pambabatikos ng ilang netizens sa grupong BTS dahil diumano sa ginagawang panglalait ng ilang Koreano sa mga Pilipino.

Matatandaan na kumalat noon sa social media ang tila pangmamaliit ng ilang Koreano sa mga Pilipino.

Isa na dito ang pagtawag nilang “Pilipino” sa mga Koreano na kayumanggi ang kulay.

Sumikat din noon sa social media ang ilang Koreano habang winawasak ang bandera ng Pilipinas.

Facebook Comments