Home Celebrities Steven Bansil, nawalan ng hanapbuhay dahil diumano kay Raffy Tulfo

Steven Bansil, nawalan ng hanapbuhay dahil diumano kay Raffy Tulfo

0

Isang vlogger ang sinabing nawalan ng hanapbuhay dahil diumano sa kagagawan ng team ng mamamahayag na si Raffy Tulfo.

Sa kanyang social media post, ipinaalam ni Steven Bansil na nawalan siya ng source of income dahil sa ginawang copyright claim ng palabas na Raffy Tulfo in Action (RTIA).

Matatandaan na nag viral ang ‘parody video’ ni Steven Bansil tungkol sa episode ng RTIA kung saan pinag usapan noon ang isyu sa pagitan ng celebrity couple na si Camille Trinidad at Jayzam Manabat.

Ayon sa kanya ay ilang beses niyang sinubukan makipag usap sa mga nasa likod ng RTIA ngunit hindi daw nila pinapansin ang kanyang mga mensahe.

“Hi mga sizt. May bad news ako. Last April 20, nag file ng copyright claim ang Raffy Tulfo in Action sa isa sa mga videos ko. Yung Camille Lang Malakas. Aminado naman po ako na I used some clips from one of the episodes and kilala niyo naman po ang ginagawa kong videos sa page ko, puro pampa good vibes lang at pampasaya. I edited myself in their video hoping na makapag pasaya ng mga tao and yes, my viewers found it funny. Unfortunately, nag file po sila ng copyright claim for this video which affected my entire page.” ani Steven.

“The video was immediately removed the moment they filed a complaint. Pero dahil pa rin dito sa complaint nila, hindi na po ako makapag monetize ng mga videos ko which is my bread and butter. As a content creator, mahirap po tlaga gumawa ng videos and kasalan ko rin naman kasi bakit ko ginamit some parts of their video sa content ko and I already apologized and emailed their team twice at nakiusap ako kung pwede to reconsider and I promised never to use any material from them ever again pero wala po talaga akong reply na nakukuha.” dagdag niya pa.

Ayon kay Steven ay sa social media na siya kumukuha ng pagkakakitaan kaya naman sobrang laki ng epekto sa kanya ng pagkawala ng kanyang page dahil sa reklamo ng RTIA.

“Nakakalungkot lang kasi this is where I get my resources para din makatulong sa ibang tao at sa pamilya ko. Tapos ang ironic lang kasi diba ang promise ng programa nila is to help others also pero ito nga yung nangyari.” sabi niya pa.

Ibinahagi niya din sa isang video ang kanyang nararamdaman dahil sa ginawa laban sa kanya ng RTIA at ang bigong paghingi niya ng tulong sa Facebook.

Sa ngayon ay umabot na ng 180,000 views ang nasabing video.

Hindi pa nagbibigay ng pahayag ang RTIA tungkol sa mensahe ni Steven Bansil.

Facebook Comments