Home Celebrities Jean Garcia, may pasaring nga ba kay Alwyn Uytingco matapos mapabalitang nililigawan nito muli si Jennica

Jean Garcia, may pasaring nga ba kay Alwyn Uytingco matapos mapabalitang nililigawan nito muli si Jennica

0

Tila may pasaring ang aktres na si Jean Garcia sa gitna ng balita na nililigawan muli ni Alwyn Uytingco ang kanyang anak na si Jennica, tatlong linggo matapos maghiwalay ang dalawa.

Sa isang Instagram post, ibinahagi ni Jean ang isang cryptic na mensahe tungkol sa pagmamahal.

“You can love someone with all your heart, but if they’re not going to be a good person for you, in your life, then it’s time to just say goodbye,” ani Jean.

Hindi naman ipinaliwanag ni Jean kung ano ang ibig sabihin niya kaya niya ito ibinahagi sa kanyang mga followers.

Ngunit madaming netizen ang tingin ay ito ang komento ni Jean sa tila panliligaw ni Alwyn sa anak niya.

Matatandaan na sa kaparehong araw ay nag post si Alwyn ng sweet na mensahe para kay Jennica.

Makikita rin si litrato si Jennica habang may hawak na bulaklak na pinaniniwalaang mula kay Alwyn.

“Hindi ko ‘to gustong pahabain pa. Ang gusto ko lang malaman mo, at wag na wag mong kakalimutan.. mahal na mahal kita. @jennicauytingco,” ani Alwyn.

 

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Alwyn S. Uytingco (@alwynzky)

Sa ngayon ay wala paring sagot si Jennica sa mensahe sa kanya ni Alwyn.

Madami namang kaibigan at fans nila Jennica at Alwyn ang umaasa na maayos pa nilang dalawa ang kanilang relasyon para sa kanilang mga anak.

Facebook Comments