Home Celebrities Cassy Legaspi, pasado sa ama ni Darren Espanto: “Iba talaga ang ngiti ni Darren eh”

Cassy Legaspi, pasado sa ama ni Darren Espanto: “Iba talaga ang ngiti ni Darren eh”

0

Tila kahit ang ama ng singer na si Darren Espanto ay naiinip na kung liligawan ba ng kanyang anak ang aktres na si Cassy Legaspi.

Sa ilang Instagram comments, makikita ang ama ni Darren na si Lyndon Espanto ang tila pagiging pasado ni Cassy para maging nobya ng kanyang anak.

Sa surprise video message ni Cassy para kay Darren ay hindi napigilan ni Mr. Espanto na magbigay ng komento.

Ayon kasi sa kanya ay tila kakaiba daw ang ngiti ng kanyang anak kapag si Cassy ang bumabati sa kanya.

“Iba talaga yung ngiti ni D (Darren) eh kapag C-ya (Cassy) ang bumati.” ani Mr. Espanto.

Sa mensahe ni Cassy, nagpasalamat ito kay Darren dahil sa pagiging mabait nito sa kanya.

“Hi, D! I just want to greet you a happy, happy birthday. I hope you enjoy your birthday. Siyempre, gusto ko mag-thank you sa iyo for being a genuine friend to me.” sabi ni Cassy kay Darren.

Makikita din sa iba pang comment na tila nahihinaan si Mr. Espanto sa diskarte ng kanyang anak kay Cassy.

“Isang taon ang hinintay at pinag planuhan, yun lang pala ang sasabihin he he,” komento ni Mr. Espanto sa mensahe naman ng kanyang anak para sa kaarawan ni Cassy noong Enero 8.

Sa ngayon ay hindi parin malaman kung type nga ba ni Darren si Cassy.

Wish naman ng mga fans niya ay mag level up ang relasyon ng dalawa pagdating ng tamang panahon.

Facebook Comments