Home Celebrities Asawa ni Jennica Garcia na si Alwyn Uytingco, may ‘sweet’ na mensahe sa aktres: “Mahal na mahal kita!”

Asawa ni Jennica Garcia na si Alwyn Uytingco, may ‘sweet’ na mensahe sa aktres: “Mahal na mahal kita!”

0

Tatlong linggo matapos ang kanilang paghihiwalay ay tila nagkakaroon ng panibagong simula si Jennica Garcia at Alwyn Uytingco.

Matatandaan na nitong nakaraang buwan ay kinumpirma ni Jennica ang kanilang paghihiwalay ni Alwyn na hindi naman nila sinabi ang dahilan.

Ngunit sa isang Instagram post, kinilig ang mga netizens at kaibigan ng dalawa matapos may laan ng isang “sweet” na mensahe si Alwyn para sa kanyang asawa.

Sa nasabing post, makikita si Jennica habang may hawak hawak na boquet ng bulaklak.

“Ang dami ko gusto sabihin. Pero hindi kayang ipaliwanag ng mga simpleng salita. Hindi ko ‘to gustong pahabain pa. Ang gusto ko lang malaman mo, at wag na wag mong kakalimutan.. mahal na mahal kita. @jennicauytingco,” ani Alwyn.

 

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Alwyn S. Uytingco (@alwynzky)

Napuno naman ng celebrities ang comment section ng post ni Alwyn at umaasa sila na magkaka ayos na ang dalawa.

May mga ilang netizens din ang nagpahayag ng kanilang suporta sa dalawa.

“Kayo po ang power couple ko! Sobrang daming beses ko na umattend ng nga talks ni Ms Jennica and lagi kayong andoon kaya sabi ko goals kayong dalawa, kaya na-sad ako sa mga post before. I am happy to see Ma’am Jennice on your feed again,” ani @chrlnsplaybook.

“Reconciliation please… Let love win. You’re my POWER COUPLE,” sabi ni @loulovesajmclean.

“Wow..thank Godsana magkabalikan n nga kyo alang-alang s mga magaganda bata n regalo s inyo ng Dios..s pagtanda nyo sila ang totoo kayamanan nyo..kya pagkaingatan mo sila napakaganda ng pamilya nyo lalo pat may nanay sila magaling mag alaga at isa huwaran asawa at ina.” komento naman ni @haney_babes.

Hindi pa nagbibigay ng pahayag si Jennica sa ipinapakita ngayong pagmamahal sa kanya ng asawa niya.

 

Facebook Comments