Home Social Media Pamilya ng nasawing footballer na si Kieth Absalon, hindi tatanggapin ang ‘sorry’ ng NPA: “I want them to disappear”

Pamilya ng nasawing footballer na si Kieth Absalon, hindi tatanggapin ang ‘sorry’ ng NPA: “I want them to disappear”

0

Hindi tinanggap ng pamilya ng nasawing footballer na si Kieth Absalon ang paghingi ng tawad ng group New People’s Army.

Matatandaan na inako ng nasabing grupo ang responsibilidad sa nangyari kay Kieth na dating UAAP Juniors Football MVP at sa pinsan nitong si Nolven noong Hunyo 6.

“The entire CPP-NPA express their deep remorse over the untimely and unnecessary deaths of cousins Keith and Nolven Absalon and injury to others resulting from errors in the military action mounted by an NPA unit in Brgy. Anas, Masbate City,” saad ng NPA.

Hindi ito tinanggap ng ina ni Kieth na si Mrs. Vilma Absalon at sinabi nito na ang gusto niyang matanggap ay hustisya.

Ayon sa kanya ay mas makabubuti kung mabura na lamang sa mundo ang NPA.

“That’s not justice, saying sorry is easy! Attaining justice does not start with saying sorry. Honestly, I want them gone (NPA), I want them to disappear and stop their destructive activities.” ani Mrs. Absalon.

Naniniwala naman si PNP Chief Gen. Guillermo Eleazar na hindi sinsero ang paghingi ng tawad ng NPA.

“Ang lalakas ng loob nilang pumuna sa pamahalaan at ginagamit pa nila itong instrumento para linlangin ang taumbayan pero ang sarili nilang tauhan bini-baby,” ani Eleazar.

Nitong Hulyo 6 ay nasawi si Kieth at Nolven matapos nilang madaanan ang isang IED habang sila ay nagbibisekleta sa Barangay Anas, Masbate City.

Kieth Absalon (kaliwa) at Nolven Absalon (kanan)

Isa pa naman si Kieth sa mga sana’y magiging pambato ng Pilipinas sa larong football lalo na’t isa itong six-time UAAP champion, UAAP MVP, at national team player.

Ngunit hindi na matutupad ni Kieth ang kanyang mga pangarap dahil winasak na ito ng NPA.

Facebook Comments