Home Celebrities Noemi “Mahal” Tesorero, naiyak sa mga akusasyon ng kanyang kamag anak laban sa partner niya na si Mygz Molino: “Hindi niya ako ginagamit!”

Noemi “Mahal” Tesorero, naiyak sa mga akusasyon ng kanyang kamag anak laban sa partner niya na si Mygz Molino: “Hindi niya ako ginagamit!”

0

Nangagalaiti ang komedyante na si Noemi Tesorero o mas kilala sa kanyang palayaw na “mahal” dahil sa mga akusasyon ng kanyang kamag anak laban sa partner niya na si Mygz Molino.

Sa isang pahayag, binanatan ni Mahal ang isang Facebook post mula sa kanyang mga kamag anak kung saan ay binabalaan nila ang komedyante sa diumano’y pangagamit sa kanya ni Mygz.

“Hindi ako ginagamit ni Mygz! Sinisira ninyo ang tandem namin. Ang masasabi ko diyan, magka-tandem kami ni Mygz. Huwag niyo po kaming huhusgahan, huwag po ninyo kaming pakialaman.

“Habang buhay na ang tandem namin. Hanggang sa uugod-ugod na ako, hanggang sa mawala ako sa mundo!” ani Mahal sa isang panayam ng pep.ph.

Sa nasabing Facebook post, hinikayat ng kamag anak ni Mahal na umuwi na ang komedyante sa kanila.

Inireklamo din nila ang ginagawang prank ni Mygz kay Mahal.

Ayon sa kanila ay hindi nila nagugustuhan na laging umiiyak ang komedyante sa social media.

“Mahal! Hindi mo na kailangan magpalimos ng pagmamahal ng ibang tao. Ang pagmamahal ng isang pamilya ay sapat na, umuwi ka na dito sa atin.

“Kaya mo naman mag-blog kasama ang ang pamilya mo. Nandiyan din naman mga pamangkin mo na tutulong sa pag-e-edit ng mga videos mo na i-upload. Hindi mo na kailangan ‘yang bastos na ka-tandem mo.

“Ilang beses ka na ipaiyak kahit prank lang yun, masakit para sa amin na umiiyak ka. Ayaw lang naman na maulit uli ang nangyari sa ‘yo nuon.

“Tapos sasabihin niya na kita mo sa YouTube sa ‘yo lamang. Aba dapat lang noh. Bakit kumita naman din siya sa ‘yo ah.

Pumalag naman si Mahal at sinabi na malaki ang kanyang tiwala kay Mygz.

Noon pa lamang ay pinagdududahan na ng mag netizens ang totoong relasyon ni Mahal at Mygz.

Marami kasing fans ni Mahal ang nagtatanong kung totoo ba na nasa ibang level na ang relasyon nila ni Mygz lalo na’t nakikita naman kung gaano nila alagaan ang isa’t isa.

Napapaisip din ang ilang netizens kung nagsasama narin ba sa iisang bubong ang dalawa dahil sa mga nakikita nila sa ilang videos.

Ngunit paglilinaw naman ni Mahal, “kaibigan” lamang daw ang relasyon nila sa ngayon ni Mygz.

“Magkaibigan lang po kami. Mahal ko ng mga tao,” ani Mahal.

Ito rin ang sinabi ni Mygz at sinabi na hanga siya sa kabaitan na ipinapakita sa kanya ni Mahal.

“Madaling pakisamahan si Mahal, walang pinipiling tao. As long as yung tao na nakikita niya, mabait sa kanya, mabuti sa kanya, susuklian niya.

“Marunong siyang magalit kapag ‘yung mga mahal niya sa buhay… may mga nasabi na hindi maganda sa mga magulang niya, sa mga kapatid niya,” ani Mygz.

 

Facebook Comments