Home Social Media 1Sambayan inilabas na ang kanilang mga pambato para sa 2022 na tatapat daw sa administrasyon

1Sambayan inilabas na ang kanilang mga pambato para sa 2022 na tatapat daw sa administrasyon

0

Inilabas na ng grupong 1Sambayan ang kanilang anim na napiling kandidato para maging posible nilang pambato para sa 2022 Presidential Election.

Eto ay sila:

  • VP Leni Robredo
  • Ex-senator Sonny Trillanes
  • Senator Grace Poe
  • CIBAC Rep Bro. Eddie Villanueva
  • Atty Chel Diokno
  • Batangas Rep Vilma Santos Recto

Ilan sa mga nabanggit ay mga kilala ng miyembro noon pa ng oposisyon katulad nila Trillanes, Robredo at Diokno.

Hindi pa nila binabanggit kung may mga pambato din ba sila para sa pagka senador.

Naalis naman sa posibleng nominees si Manila City Mayor Isko Moreno.

Hindi pa nagbibigay ng pahayag ang mga napili ng 1Sambayan.

Hinihintay din ng mga netizens ang magiging komento ng palasyo tungkol sa mga napili ng 1Sambayan.

Itinatag ang 1Sambayan upang pag isahin ang lahat ng oposisyon at tapatan ang magiging pambato ng administrasyong Duterte sa susunod na taon.

Ayon sa grupo ay mayroon ng umanib sa kanilang 40 na coalitions at organization.

Nasa apat na milyon nadin daw ang kanilang miyembro.

Pinamumunuan ang 1Sambayan nila former Ombudsman Conchita Carpio Morales, former Senior Associate Justice Antonio Carpio, at former foreign affairs chief Albert del Rosario.

Facebook Comments