Monday, September 26, 2022
HomeCelebritiesTim Sawyer, masama ang loob dahil wala diumano itong karapatan na bisitahin...

Tim Sawyer, masama ang loob dahil wala diumano itong karapatan na bisitahin ang kanyang anak kay China Roces

Masama ang loob ng vlogger na si Tim Sawyer dahil hanggang ngayon ay hindi niya parin nakikita ang kanyang anak kay China Roces na si Timothy.

Sa kanyang Facebook page, ibinahagi ni Tim ang mga litrato niya kasama ang kanyang anak.

Kasama na sa video ang isang maiksing mensahe kung saan ay ipinapahayag niya ang pangungulila niya sa kanyang anak.

“DI NYO LANG ALAM GANO KA SAKIT SA PAKIRAMDAM NA DIKA BIGYAN NG KARAPATAN NA MA KITA ANAK MO,’ ani Tim.

May mga naantig namang netizens sa mensaheng ito ni Tim na ngayon ay humaharap ngayon sa patong patong na reklamo na isinampa laban sa kanya ni China.

“Wawa ka nmn lods. Alam ko na may mali ka din at si ms china pero sana wag madamay ang bata diba. Maging casual man lng makipag coordinate ang bawat isa para sa bata kahit wag nalng sa mga sarile nyo. Hope you find your peace and makasama at makita mo ulit anak mo.” ani netizen Emm DS.

Pero may ilan naman na tila hindi kumbinsido sa post ni Tim at inakusahan pa ang vlogger na kumukuha lamang daw ito ng simpatya sa publiko.

“Feeling victim ka nanaman… paawa effect… unang una sa lahat, sa unang pagkakataon na pinagbuhatan mo ng kamay ang asawa mo it’s a sign na wala ka ng respeto sa knya.at kong mahal mo talaga pamilya mo di mo magagawang manakit at manloko,” sabi ni Donna Escalera.

May ilan ding hindi naniniwala sa sinasabi ni Tim dahil narin sa ginawa nito diumano sa kanyang anak sa Mindanao.

Matatandaan na noong nakaraang taon ay lumantad ang isang babae na diumano’y nabuntis ni Tim.

“Nabuntis ako dati ni Tim Sawyer o mas kilala namin bilang Jimboy. Hindi nga niya sinuportahan yung anak niya dito sa Mindanao. Hindi na kami naghabol kasi kung tunay na responsableng tao siya, dapat ginawa niya yung tama sa anak niya. Nakakahiya ka Tim! Sobrang tigas mo na hindi mo na inisip yung batang iniwan mo.” saad ng nasabing babae.

Inamin din naman ni Tim na may anak nga siya sa Mindanao ngunit itinanggi niya na pinabayaan niya ito.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular