Home Social Media Netizens, hati ang reaksyon sa baby na pinangalanang ‘Hypertext Markup Language Pascual’

Netizens, hati ang reaksyon sa baby na pinangalanang ‘Hypertext Markup Language Pascual’

0

Usap usapan ngayon sa social media ang baby na nakatanggap ng kakaibang pangalan sa kanyang mga magulang.

Sa post ni netizen Sincerely Pascual, inanunsyo nila ang pangalan ng bagong miyembro ng kanilang pamilya na si Hypertext Markup Language R. Pascual na may palayaw na Baby HTML.

“Ang bago kong lalapirutin  Hypertext Markup Language R. Pascual 
WELCOME TO THE WORLD, HTML 
Uuwi ako paglabas mo dyan  Siguro kasing hype ni Kuya ngayon si Papa kung nandito sya.. Miss u again, papa Bobby M Pascual
#HTMLPascual
HINDI KO SYA ANAK :(( ANAK SYA NI KUYA AT ATE SALIE,” ani Sincerely sa kanyang Facebook post.

Hindi na bago sa pamilya Pascual ang kakaibang pangalan.

Naitampok na ang kanilang pangalan sa telebisyon dahil sa ang pangalan nilang magkakapatid ay Macaroni 85, Spaghetti 88 at Sincerely Yours 98.

Hati naman ang reaksyon ng mga netizens sa pagpapangalan kay baby HTML.

May ilang natuwa, ngunit ang ilan ay nag aalala dahil baka gawing katatawanan ang pangalang ng nasabing baby pag ito ay lumaki na.

“Imagine naming your child just because it’s cool trendy and a word related to your field? I can imagine the child’s struggle one day.

“Parents must be responsible enough in making decisions when naming their children.” ani Odette Naguinlin.

“There are better names that are related to programming.
Laravel, JSON, Magento, Ruby, Debian, Fedora, Symphony, etc.
At least these names sound more human than HTML imo,” sabi naman ni Dennis Keith Gaso.

“All I can say is that parents giving these kinds of “unique” names to their children are being plain selfish. They’re just giving unnecessary hassle to their children in the future in exchange for their “uniqueness.” A good thing though is that under the law a person can change his first name on the grounds of it being ridiculous, among others,” komento naman ni Karlo Tanjili.

“If I were that child, I’d sue my parents one day,” saad naman ni Celina Genato.

Facebook Comments