Home Celebrities Ang Sweet! Jon “King Badger” Gutierrez ipina-tattoo ang mata ng asawang si Jelai Andres

Ang Sweet! Jon “King Badger” Gutierrez ipina-tattoo ang mata ng asawang si Jelai Andres

0

Kilig na kilig ang mga netizens sa ginawa ng rapper at internet celebrity na si Jon Gutierrez o mas kilala sa kanyang alyas na King Badger.

Sa kanyang Instagram story, ipinakita ni Jon ang kanyang bagong tattoo sa binti kung saan ay makikita ang diumano mata ng kanyang kabiyak na si Jelai Andres.

Natuwa naman ang ilang fans nila Jon at Jelai dahil tila gumagawa muli ng paraan si King Badger upang masuyo ang kanyang asawa.

Matatandaan na naging kontrobersiyal ang relasyon ni Jon at Jelai dahil sa mga problemang kanilang kinakaharap.

Hanggang ngayon ay hindi pa sigurado kung tapos na nga ba ang problema ng dalawa matapos ihayag noon ni Jelai ang diumano’y panloloko na ginawa sa kanya ni Jon.

Kung ano anong akusasyon ang ibinato ng dalawa laban sa isa’t isa na piang usapan naman ng mga netizens.

Umabot pa nga sa korte ang nasabing problema kung saan ay nag-file ng concubinage case ang aktres laban kay Jon.

Hindi naman nagpasa ng counter-affidavit ang rapper.

Hindi pa nagbibigay ng pahayag si Jelai kung ano na nga ba ang status ng kanilang relasyon ni Jon.

Noong 2018 ay ikinasal ang dalawa sa Tagaytay.

Marami namang fans ni Jelai at Jon ang umaasa na magkakabalikan pa ang dalawa.

 

 

Facebook Comments