Home Celebrities Isabelle Daza at Adrien Semblat, pinuna dahil tila pinagyabang nila ang brand ng bakunang natanggap nila

Isabelle Daza at Adrien Semblat, pinuna dahil tila pinagyabang nila ang brand ng bakunang natanggap nila

0

Inulan ng batikos ang aktres at socialite na si Isabelle Daza at ang kanyang asawa na si Adrien Semblat sa social media.

Nag-post kasi ang mag asawa ng litrato kung saan ay soot soot nila ang isang sumbrero na may mensahe na tila pinagsisigawan nila ang brand ng bakuna na kanilang natanggap.

Ayon sa litrato ay makikita ang mga katagang “Vaccinate by Pfizer” na imbis ikatuwa ng mga netizens ay ikinaasar pa nila.

Matatandaan na ang bakunang gawa ng Pfizer ang isa sa mga pinakainaabangan na brand ng bakuna sa bansa.

Tinawag na “cheap” at “out-of-touch” ng ilang netizens si Isabelle dahil sa pagyayabang nito na nabakunahan siya ng brand na hindi pa masyadong available sa Pilipinas.

“I hope Isabelle Daza deletes this. Basura kasi tignan. At very cheap lang.” sabi ni @DocGerrySexy, isang medical frontliner.

“Lol as usual, Isabelle Daza being the out of touch rich rich person that she is. Like why the need,” ani @thearightnow

Sabi naman ng ilang netizen ay sa Hong Kong pa nagpabakuna si Isabelle at ang kanyang asawa.

“Ginawang bragging rights yung vaccine brand but what do we expect ba from Isabelle Daza?” komento naman ni @omgjoycee.

Sa ngayon ay wala pang isang milyon ang bakuna mula sa Pfizer sa Pilipinas.

Ngunit ayon sa ilang balita ay 40,000,000 na doses ang balak bilhin ng Pilipinas mula sa Pfizer.

Facebook Comments