Home Celebrities Walang makakagalaw! Pera na natanggap ng batang magsasaka na si Reymark, ilalagay sa isang trust fund

Walang makakagalaw! Pera na natanggap ng batang magsasaka na si Reymark, ilalagay sa isang trust fund

0

Umabot na ng mahigit daang libong piso ang mga natanggap na pera ng batang magsasaka na si Reymark Mariano simula ng itampok ang kanyang buhay sa magazine show na Kapuso Mo, Jessica Soho.

Madaming netizen naman ang nag alala na baka may mga taong magsamantala sa perang natatanggap ngayon ni Reymark, ngunit ngayon ay hindi na nila kailangang mag isip pa.

Napag desisyunan kasi ni Reymark na hindi niya gagalawin ang mga perang kanyang natanggap hanggang sa umabot siya sa legal na edad.

Ayon sa June 6 episode ng KMJS ay ilalagay ang kanyang pera sa isang trust fund at hindi niya ito makukuha hangga’t wala siya sa hustong gulang.

Samantala ay ang mga in-kind na natanggap niyang donasyon ay ilalagay niya sa binabalak nilang itayo na tindahan.

Matatandaan na madaming netizen ang hindi natuwa sa pagpapakita ng ina ni Reymark na si Analyn.

Hinala kasi nila ay gusto lamang maambunan ng biyaya ang ina ni Reymark.

Itinanggi naman ito ni Analyn at sinabing hindi pera ang habol niya sa kanyang anak.

“Hindi naman po ako naghahabol ng pera, ang importante ang mga anak ko, na mapakita ko sa mga anak ko na bumabawi ako sa mga pagkukulang ko,” ani Analyn.

Hindi narin naman iniisip ni Reymark ang mga hinala ng mga netizen at ang mahalaga naman daw ay kasama niya na ang mga magulang niya.

 

Facebook Comments