Home Celebrities Julia Barreto, isinara sa publiko ang panayam niya kay Dennis matapos punahin ng mga netizen ang tila pagiging malamig niya sa ama niya

Julia Barreto, isinara sa publiko ang panayam niya kay Dennis matapos punahin ng mga netizen ang tila pagiging malamig niya sa ama niya

0

Inilagay sa ‘private status’ ng aktres na si Julia Barreto ang vlog niya kung saan ay kapanayam niya ang kanyang ama na si Dennis Padilla.

Hinala ng mga netizens, isinara ni Julia sa publiko ang nasabing vlog matapos itong ulanin ng puna dahil tila sa malamig nitong trato sa kanyang ama.

Sa nasabing video na ang pamagat ay ‘Questions ‘I’ve Never Asked My Dad’ ay mapapansin na nag ‘I love you” si Dennis sa kanyang anak ngunit “thank you” lamang ang natanggap nito mula kay Julia.

“I love you.” ani Dennis.

“Thank you.” tugon naman ni Julia.

Hindi naman napigilan ng ilang netizens ang mag bigay ng komento.

“Baka deleted ni Julia yung video kasi daming nag comment don pati ako na panay sabi ng I love you ng tatay pero hindi man lang nag I love you back yung anak,” ani ng isang netizen.

May nagtanggol din naman kay Julia at pinuna ang mga netizens na puro negative ang nakikita sa aktres.

Baka isara sa publiko ni Julia ang nasabing video ay nag viral ang panayam ni Ogie Diaz sa kanyang ama na si Dennis.

Sa nasabing panayam ay nag kwento si Dennis sa mga pagkakamali niya sa buhay at sa pagmamahal niya sa kanyang mga anak.
Isa sa mga hiling niya ay ang makasama niya minsan ang kanyang mga anak na sina Julia, Claudia at Leon.

Ikinuwento niya din ang kanyang takot na baka hindi na dala dala ng kanyang mga anak ang apelido niya.

“Sana Baldivia pa rin sa legal documents, tutal naman nakatago lang ‘yun.” ani Dennis.

Facebook Comments