Home Social Media Nanay ng batang magsasaka na si Reymark, may mensahe sa mga kritiko: “hindi importante ang pera”

Nanay ng batang magsasaka na si Reymark, may mensahe sa mga kritiko: “hindi importante ang pera”

0

Mariing itinanggi ng ina ng batang magsasaka na si Reymark Mariano na si Analyn na pera lamang ang kanyang habol kaya siya bumalik bigla sa piling ng kanyang anak.

Matatandaan na milyon milyong netizens ang naantig sa buhay ni Reymark ng itampok ang kanyang sitwasyon sa magazine show na Kapuso Mo, Jessica Sojo.

Sa murang edad kasi ay napilitan ang bata na magsaka upang matustosan ang pangangailangan nila.

Screenshot mula sa May 30 Episode ng Kapuso Mo, Jessica Soho.

Inulan ng tulong si Reymark, na noo’y wala sa piling ng kanyang ama at ina.

Ngunit madaming netizen ang hindi natuwa ng bigla na lamang bumalik si Analyn na may iba ng pamilya matapos ulalin ng grasya ang kanyang anak.

Pumalag naman si Analyn sa mga akusasyon laban sa kanya at sinabi na hindi niya habol ang grasya na natatanggap ng kanyang anak.

“Hindi naman po ako naghahabol ng pera, ang importante ang mga anak ko, na mapakita ko sa mga anak ko na bumabawi ako sa mga pagkukulang ko,” ani Analyn.

Screenshot mula sa May 23 episode ng Kapuso Mo, Jessica Soho.

Samantala ay sinagot din ng KMJS ang mga akusasyon na scripted ang ginawa nilang pagtatampok sa buhay ni Reymark.

Ayon sa mga kumakalat na social media post ay hindi naman daw pinapabayaan ni Analyn si Reymark at laro lang daw kung ituring ng bata ang pagsasaka.

Iniiwan din daw ng pera ni Analyn ang kanyang anak kaya’t imposible na nakaranas itong kumain ng asin.

Ginawa lang daw kaawa-awa si Reymark upang tumaas ang ratings ng KMJS na sa noon pa naman ay numero uno na pagdating sa popularidad.

Mariin naman itong itinanggi ng KMJS at sinabi na totoo ang ipinakita nilang istorya tungkol kay Reymark.

“Nakarating sa KMJS na may nagpapakalat sa social media na scripted at hindi talaga totoong nag-aararo ang tinampok naming batang si Reymark.

“Base sa pananaliksik, pakikisalamuha at pakikipamuhay ng aming team kina Reymark at sa kanyang pamilya, nasaksihan namin mismo ang paghihirap ng bata sa bukid.

“Hiniling din ni Reymark, na huwag nang idetalye sa segment ang personal na problema sa pagitan ng kanyang mga magulang at patuloy na nakikiusap na wag nang i-bash ang mga ito.” sabi ng KMJS sa isang pahayag.

Sa ngayon ay madami naman ang nag aabang sa iba pang update tungkol kay Reymark.

Facebook Comments