Home Celebrities Tim Sawyer, tinawag na “online circus” ang ginagawa sa kanya ng dati niyang partner na si China Roces

Tim Sawyer, tinawag na “online circus” ang ginagawa sa kanya ng dati niyang partner na si China Roces

0

Tinawag na “online circus” ng vlogger na si Tim Sawyer ang mga ginaga sa kanya ng dati niyang partner na si China Roces.

Sa isang post, ibinahagi ni Tim ang isang vlog mula kay Atty. Ranny Randolf B. Libayan kung saan ay nagbigay ito ng opinyon tungkol sa isyu na kinakasangkutan ng dating internet celebrity couple.

“DI TALAGA DAPAT.. SALAMAT SA GUMAWA NG VIDEO NATO PARA MA LIWANAGAN NAMAN MGA TAO ANO TALAGA NANG YARE DITO SA ONLINE CIRCUS NA GINAWA NG EX KO SAKIN.” ani Tim Sawyer sa kanyang social media post.

Sa nasabing vlog, pinag usapan ang diumano’y ‘trial by publicity’ na nangyayari sa kaso ni China at Tim.

Ipinakita ni Atty. Libayan ang isang video na diumano’y kuha habang hinahanap ng mga otoridad si Tim sa kanyang tahanan sa Trece Martires, Cavite.

Pinuna ng abogado ang tila publicity na nangyayari sa paghuli sa vlogger.

“Siguro pag isipan natin, pabor ba kayo na kapag kayo aarestuhin live? Tapos kapag wala kayo at hindi kayo mahanap, ilalabas online, o di kaya ‘yung pictures niyo, ilalabas online,” tanong ni Libayan.

Hindi pabor si Libayan sa ginagawang pagsasapubliko ng mga kaso katulad ng kay Tim dahil kawawa din daw ang akusado sa mga nangyayari.

Mungkahi niya ay dapat humingi muna ang media ng permiso sa korte bago nila isa-publiko ang mga nangyayari sa akusado.

Naniniwala din siya na posibleng masasayang lang din ang resources ng gobyerno kung “drama” lang pala ang lahat ng ginagawa ni Tim at China.

Matatandaan na nag umpisa ang isyu sa pagitan ng dalawa ng mag live si China gamit ang vlog ni Tim kung saan ay makikita sila habang nagtatalo.

Kalaunan ay umabot sa programang ‘Raffy Tulfo in Action’ ang nasabing pagtatalo na nauwi naman sa pagkakabati ng dalawa.

Ngunit hindi naging matagumpay ang pagbabalikan ng dalawa kaya humingi muli ng tulong si China sa nasabing programa upang maparusahan si Tim.

Kamakailan lang ay sumuko din ang vlogger at nagpiyansa para sa kanyang pansamantalang kalayaan.

Tatlong counts ng Republic Act 9262 ang kinakaharap ngayon ni Tim.

Facebook Comments