Home Social Media Pauline Altamirano, dinepensahan ang sarili at inaming gumagamit siya: “Biktima lang din po ako”

Pauline Altamirano, dinepensahan ang sarili at inaming gumagamit siya: “Biktima lang din po ako”

0

Sa unang pagkakataon ay nag salita na ang viral na model na si Pauline Altamirano, ilang araw matapos itong hulihin dahil sa pananakit sa isang traffic enforcer.

Sa isang panayam ng ABS-CBN TV Patrol, ipinagtanggol ni Altamirano ang kanyang sarili sa mga akusasyon laban sa kanya.

Matatandaan na inakusahan siya ng isang pagiging courier ng ipinagbabawal na gamot, ngunit mariin niya itong itinanggi.

Inamin din naman niya na siya ay gumagamit ng ipinagbabawal na gamot matapos siyang mag positibo sa test.

Giit niya ay biktima din siya sa mga nangyayari ngayon.

“Di po ako nagbebenta, gumagamit lang po. Nabiktima lang din,” ani Altamirano.

Ngunit ayon naman sa pulisya ay may mga ebidensiya silang nakalap na makikipagkita sana si Altamirano sa isang kliyente upang mag abot ng ipinagbabawal na gamot.

Nabasa nila ang mga text messages sa pagitan ni Altamirano at ng kanyang mga kliyente na nahuli din kalaunan sa isang follow-up operation.

Pinagdududahan din nila kung bakit iba ibang pangalan ang ginagamit ng suspek sa kanyang mga ID.

Sa ngayon ay malabo pa kung makakalaya si Altamirano dahil sa patong patong na kasong kanyang kakaharapin.

Hindi pa nagbibigay ng pahayag ang mga kasama diumano ng suspek.

Facebook Comments