Home Celebrities Tim Sawyer, maaring manatili ng anim hanggang walong na taon sa bilangguan kung mapapatunayan ang ginawa niya kay China Roces

Tim Sawyer, maaring manatili ng anim hanggang walong na taon sa bilangguan kung mapapatunayan ang ginawa niya kay China Roces

0

Maaring magtagal ang pananatili sa bilangguan ng sikat na vlogger na si Tim Sawyer kung mapapatunayan ang mga akusasyon laban sa kanyang dating partner na si China Roces.

Nitong May 28 episode ng Wanted sa Radyo ng mamamahayag na si Raffy Tulfo, ipinaliwanag ni Atty. Garreth Tungol, abogado ni China na third counts ng Republic Act 9262 ang isinampa laban kay Tim.

Paliwanag ni Tungol, aabot ng ilang buwan ang hearing sa kaso ni Tim.

“There’s a possibility na haharap siya ng anim hanggang walong taon sa kulungan,” ani Tungol.

Maliban kay Tim ay maari ding maharap sa reklamo ang mga kasamahan nito dahil sa diumano’y pagsasayaw nila habang dinidinig ang kaso ng vlogger.

Nagsumbong din si China na hanggang ngayon ay nagsasalita parin si Tim laban sa kanya gamit ang social media.

Dahil dito ay posible pang maharap sa karagdagang kaso ang vlogger.

Pinayuhan naman ni Tulfo si China na huwag na huwag babalaking iatras ang mga isinampa niyang kaso kay Tim.

“Wag niyo pong iurong to kahit na lumuhod sa inyo ito, kahit halik halikan ‘yung lupa, wag niyong patatawarin itong tukmol na ito,” sabi ni Tulfo kay China.

“Dapat po makulong ito, masampolan po ito,” dagdag niya pa.

Hindi pa nagbibigay ng pahayag si Tim tungkol sa kaso laban sa kanya.

Facebook Comments