Home Celebrities Sharon Cuneta, sinagot ang mga paratang na sinasaktan daw siya ni Kiko Pangilinan kaya ito pumunta ng America

Sharon Cuneta, sinagot ang mga paratang na sinasaktan daw siya ni Kiko Pangilinan kaya ito pumunta ng America

0

Sa unang pagkakaton ay sinagot ng deretsahan ni Sharon Cuneta ang tunay na dahilan kung bakit siya nagdesisyon na lumipad sa America.

Sa kanyang Instagram live, ipinaliwanag ni Sharon na dapat ay kasama siya sa all-Filipino cast ng isang Hollywood film na ang producer ay ang kilalang direktor na si Steven Spielberg.

Ngunit hindi daw ito natuloy dahil sa nagkaroon siya ng false positive result sa swab test.

Dito na naiyak si Sharon dahil sobra siyang nanghinayang sa pagkakataon na sana’y magiging parte siya ng isang Hollywood film.

Nagpapasalamat naman siya at naging supportive sa kanya ang asawa niyang si Senador Francis “Kiko” Pangilinan.

“I felt like dala-dala naming lahat ’yung bandila ng Pilipinas in the middle of all this Asian hate in America and some parts of the world … ’yun ang kina-break ng puso ko and pinabayaan ako ni Kiko magluksa.” ani Sharon.

Mariin niya ding itinanggi ang mga tsismis na nagkaroon sila ng problema ni Kiko kaya siya nag desisyon na umalis sa Pilipinas.

Tinawag niyang mga walang respeto ang mga taong nagpapakalat ng nasabing balita.

Ayon kasi sa ilang kumakalat na tsismis ay nahuli daw ni Pangilinan ang megastar na may ibang karelasyon.

“Sinasaktan, binubugbog daw ako ni Kiko? Nag-away daw kami? Ngayon buntis ako, ‘di ko nga alam eh.

“Kaming pamilya, maayos kami. We don’t dwell on thses things, pero sobra na. Bakit ako papayag na sirain nila ang napakagandang puso at intensyon ng asawa ko? Ayaw naming manira ng kahit sino.

“Alam namin na politically motivated ang mga paninira. Never akong na-disrespect nang ganito. Our family is strong, our family is blessed.” sabi ni Sharon.

 

Matatandaan na naging suki ng pambabatikos ang pamilya ni megastar mula sa mga netizens.

Ang hinala ng iba ay ang pagiging miyembro ng oposisyon ni Pangilinan at ang pagiging aktibo ng isa nilang anak na si Frankie sa pagbibigay ng komento sa mga nangyayari sa bansa ang dahilan kung bakit sila binabatikos.

Facebook Comments