Home Celebrities Maria Hola Salamero na sumikat matapos manakit ng enforcer, napag alaman na isa palang pusher

Maria Hola Salamero na sumikat matapos manakit ng enforcer, napag alaman na isa palang pusher

0

Magkakaroon pa ng panibagong problema si Pauline Salamero o mas kilala bilang si Maria Hola Sy matapos madiskubre kung ano ang isa sa mga bagay na pinagkakakitaan niya.

Sa kanyang livestream, ibinahagi ni Manila City Mayor Isko Moreno ang resulta ng kanilang imbestigasyon sa pagkatao ni Salamero.

Nadiskubre nila na si Salamero na sumikat sa social media dahil sa pananakit sa isang traffic enforcer ay isa palang pusher.

Ayon kay Moreno ay nahuli ang tatlo pang kasabwat ni Salamero at nakuha sa kanila ang mga pinaghihinalaang pinagbabawal na gamot.

“Ang hindi nila alam, ka-text na pala nila is ‘yung pulis,” ani Moreno.

Ipinakita din ni Moreno ang nakuhang mga pinaghihinalaang pinagbabawal na gamot sa bag ni Salamero.

“Maganda ‘yung kwento eh, nagpatupad lang ‘yung enforcer namin ng kung ano ang tama, tapos diyan humantong,” sabi ng alkalde.

“Tatlo nanamang tolongges ang natanggal natin sa kalsada na dumayo pa sa Maynila,” dagdag niya pa.

Sa ngayon ay hindi pa natatapos ang follow-up operation para mahuli ang iba pang kasabwat ni Salamero.

Ang nasabing resulta ng imbestigasyon ay nagbigay linaw kung bakit tila takot si Salamero na mahuli o masita ng mga otoridad.

Maliban sa mga kasong kinakaharap niya ay napag alaman din na madaming netizen ang hinahanap si Salamero dahil naman sa mga kaso ng panloloko.

Noong 2020 ay kumalat ang litrato ni Salamero sa social media dahil sa mga ginawa nitong panloloko sa kanyang kapwa.

“Mga paps mag Ingat kau sa taong ito nabugos ang kasamahan. Natin kung Sino Man nakakita sa inyo ipag bigay alam nyo agad dito sa wall natin para masampahan ng reklamo 2500 ang nadale nya,” sabi ng netizen na isang rider.

“Pag hindi mo binalik cp ko at dika nakipag cooperate sakin ikaw bahala hehe,” post naman ni netizen Zsofia Lopez.

 

 

Facebook Comments