Home Celebrities Gerald Anderson sinugod ng mga netizens dahil sa kumakalat na video ni Julia Barreto

Gerald Anderson sinugod ng mga netizens dahil sa kumakalat na video ni Julia Barreto

0

Hindi naiwasan ng ilang netizens na sugurin si Gerald Anderson sa kanyang mga social media pages matapos kumalat ang video ng kanyang nobya na si Julia Barreto sa social media.

May ilang netizen ang naniniwala na maaring maging dahilan ng hiwalayang Gerald at Julia ang nasabing isyu.

Ayon kasi sa kanila ay nag sinungaling si Julia sa kanyang nobyo na hindi pa ito kumakain ng isaw kahit na mayroong video na magpapatunay na kumakain na talaga siya ng street food.

“Eto n ang simula ng pgdodoubt ni gerald kay julia,tpos bglang ghosting ulet,tpos c ate julia mappraning,” ani @rach_corp.

“Isaw!!! HAHAHA maypa-only for you pa tse! HAHAHA” sabi ni @maq0001

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Gerald Anderson (@andersongeraldjr)

Hindi naman mawawala ang mga tagapagtanggol nila Julia at Gerald.

“Ang saya2 ng mga bashers. Akala nila talaga napaka big deal ng isaw issue. Juicemio hindi niyo pa rin ba ma gets na any nega issue don’t matter to them dahil mas importante pa rin sa kanila na alam nila sa isa’t-isa ang totoo at tanggap nila ang isa’t-isa. Hindi rin ba pwdng for the views lang?” sabi ni @racquelouhale.

“Gerald virtual hug po para kay Julia . Magpakatatag kayo . Malala ang inggit ng taong hindi nilulubayan si Julia hanggat hindi talaga bumabagsak ang career . Maaaring isa sa mga kamag anak din nya ang nasa likod ng mga paninira sa kanya . Imagine talagang naglaan ng oras para hanapin ang lumang video . E kung hindi naman talaga nakagiliwan ni Julia ang pag kain ng isaw , makakalimutan talaga nya na nakakain sya nito,” saad ni @dailygracetivity

Sa nasabing video ay makikita si Julia habang sarap na sarap sa pagkain ng isaw kahit na sinabi noon ng aktres sa vlog ng kanyang nobyo na hindi pa siya nakakakain nito.

Sabi pa ni Julia sa nasabing vlog ay kakain lamang siya ng isaw para kay Gerald.

 

Facebook Comments