Home Celebrities Angelica Panganiban, dedma sa mga banat sa kanya ng mga frontliners matapos niyang makisingit sa swab

Angelica Panganiban, dedma sa mga banat sa kanya ng mga frontliners matapos niyang makisingit sa swab

0

“Makapal ang mukha” yan ang tawag ng ilang netizens ngayon sa aktres na si Angelica Panganiban dahil sa ginawa nitong pagrereklamo sa Red Cross Olongapo.

Sa ngayon ay wala pang pahayag si Angelica sa mga pambabatikos na kanyang natanggap sa mga netizens.

Ang tanging update niya lamang sa kanyang social media ay ang kanyang kinain.

Matatandaan na inulan ng batikos si Angelica dahil sa kanyang pagrereklamo na matagal na daw siyang naghihintay sa parking lot para sana makakuha ng swab test.

Ngunit nagpaliwanag ang ilang frontliners na nagta-trabaho sa red cross na hindi naman siya nagpalista para sa swab test noong araw na ‘yon at sumingit lamang daw siya sa pila.

May ilan ding netizens ang hinihiling na humingi ng tawad si Angelica sa red cross.

Isa na dito ay si Dra. G na naniniwala na dapat ay humingi ng tawad si Angelica sa nasabing organisasyon dahil mali naman talaga ang kanyang ginawa.

“You should make a public apology to all the staff of Red Cross Subic! You have no appointment, siningit ka lang. Pinuntahan pa kayo sa car to do the swab, while yung iba may appointment ay nakapila sa tent or nasa ambulance. Siniraan mo pa talaga yung mga taong tumulong sayo,” sabi ng netizen.

Sa ngayon ay ang wala pang malinaw na impormasyon kung hihingi nga ba ng tawad si Angelica.

Hindi pa nagbibigay ng opisyal na pahayag ang Philippine Red Cross tungkol sa reklamo ni Angelica.

 

Facebook Comments