Home Celebrities Pa VIP? Angelica Panganiban, binanatan ng mga frontliners: “Sana try din po pumila”

Pa VIP? Angelica Panganiban, binanatan ng mga frontliners: “Sana try din po pumila”

0

Inulan ng batikos ang artista na si Angelica Panganiban matapos itong mag reklamo na isang oras na silang naghihintay para makapagpa swab test.

Sa kanyang mga tweet, binanatan ni Angelica ang Red Cross Subic dahil diumano sa isang oras na silang naghihintay sa parking area.

Inakusahan niya din na nagkakaroon ng palakasan system ang nasabing organisasyon.

“Hello redcross subic! Isang oras na kami dito sa parking area niyo. Nakaalis na din mga nakasabay namin. At inuna niyo pa yung ibang bagong dating. Okay lang naman kung palakasan 🙂 tweet ko na lang,” ani Angelica.

Tweet mula kay Agenlica Panganiban

Dito na nakatanggap ng mga negatibong komento si Angelica mula sa mga frontliners na ang iba pa ay mga nagpakilala pang nagtatrabaho mismo sa Red Cross subic.

Ayon kay John Daniel Isabelo na isang registered medical technologist sa Red Cross Subic ay wala naman daw sa nasabing parking lot ang verification window kung saan naghihintay si Angelica.

Hinimok din niya si Angelica na pumila imbis na sumingit sa pila.

“Wala naman po sa parking area ang verification window namen. Sana try din po nila pumila kagaya ng mga normal na tao since pare parehas lang naman po sila ng binayad. Ni hindi nga po sila bumaba para magpaverify kami pa lumapit sa kanila sa sasakyan.” kwento ni John Daniel.

Anyways salamat Ms. Angelica dahil naappreciate mo ang pagod nameng mga frontliners. Next time na magpaswab ka 12 midnight papasok na kami para antayin ka,” dagdag niya pa.

Bumanat muli si John Daniel sa kanyang Facebook story kung saan ay pinaalalahan niya ang mga artista na hindi porket sila ay nasa industriya ng showbiz ay priority na sila.

Dito rin kinumpirma ng medical technologist na pinilit nilang “isingit” si Angelica sa pila ngunit nag tweet padin ito.

“Sana po di ka nalang nag tweet na parang ang lalabas na masama ehh kami. You need to take into consideration what’s really happening inside the swabbing facility. Naging lenient naman po kami sa inyo na kahit di kayo naka sched ngayun siningit parin kayo.” ani John Daniel.

“Isa pa po hindi po porket drive thru eh priority na agad kayo. Paano naman po yung mga nauna sa inyo at nakapila sa tent sa gitna ng init ng araw? Please be considerate.” dagdag niya pa.

Hindi pa nagbibigay ng direktang reaksyon si Angelica sa mga batikos na kanyang natatanggap ngunit nagkwento naman siya tungkol sa masamang karanasan niya diumano sa Red Cross.

Di naman tumalab ang kanyang tweet sa mga netizens at tinawag siyang “pa-victim”.

 

 

Facebook Comments