Home Celebrities Mike Enriquez tila nairita sa balita tungkol sa mga pasaway sa health protocols: “Ang titigas ng ulo ng mga Pilipino!”

Mike Enriquez tila nairita sa balita tungkol sa mga pasaway sa health protocols: “Ang titigas ng ulo ng mga Pilipino!”

0

Hindi na naitago pa ng beteranong mamahayag ang kanyang pagkairita sa mga balita tungkol sa mga taong patuloy na sumusuway sa health protocols na ipinapatupad.

Sa mismong 24-Oras naihayag ni Enriquez ang kanyang pagkagigil matapos ipresinta ang balita tungkol sa Quezon City kung saan ay makikita ang mga residente ng ilang barangay sa QC na nasa labas parin ng kanilang mga tahanan kahit curfew hours na.

Karamihan pa naman sa mga nakikita ay mga kabataan na hindi pa nagsosoot ng face mask.

Kahit si Mel Tiangco na siyang nagpresenta ng balita ay tinawag ang mga nasabing pasaway na “matitigas ang ulo”.

Matapos i-presenta ang nasabing balita ay sinundan ulit ito ng isa pang istorya tungkol ulit sa QC kung saan ay nag party pa ang ilang pamilya kahit na mahigpit itong pinagbabawal.

Dito na tila nairita si Enriquez dahil sa mga balita.

“Eto pa ho mga kapuso. Ang titigas ng ulo ng mga Pilipino!” ani Enriquez.

Ayon sa balita ay may isang taong naka quarantine dapat ang piniling makipag inuman sa kanyang mga kaibigan.

Nalaman ito ng mga otoridad kaya naman kinuhanan sila ng swab kung saan ay nagpositibo ang ilan sa kanila sa nakakahawang sakit.

Ang problema ay ang mga nag positibo ay nakihalubilo nadin sa iba pang mga tao.

Mayroon ding pool party na naganap sa isa pang barangay sa QC kung saan may mga posible ding nahawa ng sakit.

Makikita sa bandang 6:10 ng livestream ang nasabing balita.

Sa ngayon ay nadagdagan ng aabot sa isang libo ang kailangan i-swab ng LGU ng Quezon City dahil sa mga nasabing insidente ng paglabag sa health protocols.

Facebook Comments