Home Celebrities Andrea Brillantes, inamin na ayaw niya kay Buknoy Glamur: “Kung sa lolo ko niya sinabi yun, baka nasapak ko siya”

Andrea Brillantes, inamin na ayaw niya kay Buknoy Glamur: “Kung sa lolo ko niya sinabi yun, baka nasapak ko siya”

0

Agad agad sinagot ng aktres na si Andrea Brillantes kung sino ba ang vlogger na hinding hindi siya papayag na makasama sa isang collaboration.

Sa kanyang vlog kasama si Seth Fedelin, tinanong si Andrea kung sino ba ang vlogger na ayaw niyang maka-collab.

Sinagot naman ito ni Andrea at sinabi niya na ito ay ang kontrobersiyal na si Buknoy Glamurr.

Ayon kay Andrea ay tricycle driver ang kanyang lolo at baka kung ito ang nilait ni Buknoy at baka kung ano ang magawa niya.

“Nasaktan lang kasi ako sa ginawa niya dahil tricycle driver yung lolo ko dati, never ko siyang ikinahiya, sobrang proud ako sa lolo ko at sa lahat ng tricycle driver,” paliwanag ni Andrea.

“So nung napanood ko ‘yung video niya naisip ko na kung ‘yung lolo ko yung pinagsibahan niya niyon baka sinapak ko na siya,” dagdag niya pa.

Matatandaan na unang naging kontrobersiyal si Buknoy dahil sa sinabi niya sa mga tricycle driver.

Sabi niya kasi ay kailangan daw mag sumikap ng mga tao kung ayaw nilang maging tricycle driver.

“Pero ang gusto ko talaga sabihin sa inyo is ‘wag na ‘wag kayo sumuko mangarap, ‘wag na ‘wag kayong sumuko na tuparin ‘yung mga pangarap niyo kasi kung hindi kayo magsusumikap sa buhay, walang-wala kayong mararating, tulad nito (tricycle driver),” ani Buknoy.

Itinanggi naman noon na nilalait niya ang mga tricycle driver at nilinaw na gusto niya lamang maging masipag ang mga tao para malayo ang marating nila.

Facebook Comments