Home Social Media Traffic enforcer sa Maynila na nanghuli ng motorista kahit wala daw violation, sibak sa pwesto

Traffic enforcer sa Maynila na nanghuli ng motorista kahit wala daw violation, sibak sa pwesto

0

Sibak ang isang miyembro ng Manila Traffic and Parking Bureau (MTPB) dahil sa diumano’y panghuhuli nito sa isang motorista kahit na wala naman daw itong violation.

Ayon sa Pure Force – Media ay ipinatawag na ni MTPB Chief Dennis P. Viaje ang nasabing enforcer at nangako ito na aalisin ito sa enforcer.

“Thank you po MTPB Chief Dennis P. Viaje. Pinatawag na po at aalisin po ang enforcer na nanghuli at nag issue ng traffic ticket habang ang kuha naman sa dashcam nung tumawid ang driver ay may 9 seconds pa (kung tama ang nabasa ko sa timer) at GREEN light pa po. Maging maingat sa pagmamaneho at maraming sqlamat po uli sa MTPB Chief sa Syudad ng Maynila! Mabuhay and more power!” saad ng Pure Force Media.

Sa isang Facebook post nitong May 22, ibinahagi ni netizen Miguel Vistan ang nangyaring panghuhuli sa kanya sa Sampaloc, Manila.

Nakilala ang traffic enforcer na si Efren Fria, na ipinilit daw na siya daw ay lumabag sa traffic light rules kahit kita naman sa CCTV na green ang ilaw habang tumatawid ang kanyang sasakyan.

“Today is a very disappointing day. I got apprehended for a traffic violation for no reason, and the officer demanded to confiscate my license (also not even wearing a face shield). The man was so arrogant and proud of what he was doing, even though I presented to him the video of my dash cam, and explained that I didn’t commit any violation, he still insisted. HE WAS EVEN TRYING TO GET ME OUT OF MY CAR.” kwento ni Vistan.

“Now I just want to try and warn everyone, that even though we are in the midst of this pandemic, there are still plenty of people trying to take advantage of their fellow Filipinos.” dagdag niya pa.

Hindi pa nagbibigay ng pahayag ang kampo ng traffic enforcer at si Vistan.

Facebook Comments