Home Celebrities Richard Strandz, tindero naman ng plastik ang binigyan ng libreng make over

Richard Strandz, tindero naman ng plastik ang binigyan ng libreng make over

0

Humanga muli ang mga netizens sa ginawang kabutihan ng Pampanga-based stylist na si Richard Strandz sa isang tindero ng plastic.

Sa kanyang vlog, ibinahagi niya ang kwento ni Willie Palacio, 41, isang tindero ng plastic sa Angeles City.

Sinubukan niyang yayain si Willie na pumunta sa kanyang shop para sa isang make over ngunit sa una ay tumatanggi ito dala nadin ng pagkatakot.

Ngunit sa huli ay pumayag din si Willie sa alok ni Richard.

Nangako naman si Richard na ibibli niya ng maisosoot sa pang araw araw ang tindero ng plastik katulad ng tsinelas at mga damit.

Matapos silang mamili at magkwentuhan ay dito na inumpisahan ni Richard ang kanilang make over.

Kagulat gulat naman ang naging resulta ng ginawa ni Richard kay Willie dahil parang naging ibang tao ang nasabing tindero.

Hindi na makilala si Willie dahil sa galing na taglay ni Richard sa pag aayos.

Umabot na ng libo libong views ang nasabing make over ni Richard.

Pinuri din si Richard ng mga netizens dahil sa kabutihan niyang taglay.

“Richard nagawa mong linisan ang paa nya, sobrang bow ako sau. Tumaas ang moral support nya sa sarili & mas lalo kitang nirespeto Richard. More blessings to come Rich,” ani Baby Castro.

“Woow. Lumutang ang pagka gwapo ni kuya Willie. And u can see in his eyes that he is so happy. More blessings sayo sir Richard,” sabi ni Menchu TV.

“momshie chard kayo po ung vlogger na napakamatulungin , sa isang kakaibang praan. kung ung ibang vlogger tumutulong ngbbgay ng pagkain, pera at iba pang material na bagay, kayo naman po ay sa emotional aspect ng isang tao. hndi lng pangkabuhayan ang kailngan ng mga tao ngyon, kailangan din nla ng confidence, tiwla sa srili, saya, at pag asa sa kanlang mga damdamin at ikaw po ang instrument ni God pra sa part ng emotional well being po ng mga kababayan natin. Sa mga namamake over mo na pailan – ilan, ay madami ang ntutuwang viewers at mging kmi ay prang namake-overan narin dhl sa saya twing nnonood ng vlogs u. tuloy mo lng po at we will keep on supporting:)” komento naman ni Kans Sison.

Matatandaan na sumikat na noon si Richard matapos niyang ayusan ang isang basurero na kinupkop niya din kalaunan at binigyan niya pa ng trabaho.

Facebook Comments