Home Celebrities Gladys Reyes, sinagot ang mga paratang na mineral water ang ginagamit niya sa pagligo

Gladys Reyes, sinagot ang mga paratang na mineral water ang ginagamit niya sa pagligo

0

Nagsalita na sa unang pagkakataon ang host at aktres na si Gladys Reyes tungkol sa mga kumakalat na kakaibang balita tungkol sa kanya.

Sa isang event, nilinaw ni Gladys ang mga akusasyon tungkol sa kanya katulad ng pagkakaroon niya daw ng insurance para sa kanyang mga binti at pagligo niya diumano na gamit ay mineral water.

“Hindi po totoo. Chismis lang yun (laughs). At saka hindi rin totoo yung sinsasabi nila na naliligo ako ng mineral water, hindi po totoo yun. Chika lang yun.” paglilinaw ni Gladys.

Ayon sa kanya, ang tanging sikreto niya lamang sa kanyang balat ay ang kanyang pagiging maingat sa sarili.

“Gusto ko pasalamat na ng nanay ko sa pag-aalaga ng kutis ko ever since nung bata ako. So I guess maganda rin na bata pa lang inaalagaan na yung kutis. Naging maingat kasi yung mother ko sa akin kaya eventually siyempre parang nakakahiya naman kung ako pa yung hindi mag-iingat sa sarili ko ‘no? Hindo po totoo na insured,” ani Gladys.

Wala naman talagang sikreto. Pero malaking factor na I don’t smoke, I don’t drink, and siguro yung moderating din ng food. Kinakain ko lahat eh. Dati hindi ako kumakain ng beef at pork pero eventually kakailanganin din ng katawan mo. Like I like sinigang so paano ako hindi kakain ng pork? Importante lang siguro na alam mo na in moderation lang din yung kakainin mo. And wala din ako masyadong seremonyas sa mukha or sa katawan before I sleep. Pero importante na malinis na malinis tayo.” dagdag niya pa.

Kilala si Gladys sa kanyang mga kontrabida roles ngunit hinahangaan din siya kahit na ang karakter niya ay isang mabuting tao.

 

Facebook Comments