Home Social Media Mag live in partner, kinasuhan dahil sa doble doble ang nakuhang ayuda sa LGU

Mag live in partner, kinasuhan dahil sa doble doble ang nakuhang ayuda sa LGU

0

Kakasuhan na, pahiya pa sa social media, yan ang sinapit ng mag live-in partner sa Antipolo dahil diumano sa doble doble nilang ayuda na natanggap mula sa LGU.

Sa isang Facebook post, ipinakita ng alkalde ng Antipolo na si Andeng Ynares ang larawan nila Conrado Lauron Cruz at Gina Gundran na kinasuhan dahil diumano sa pananamantala sa ayuda.

Kasong Estafa, Falsification of Documents at iba pang reklamo ang inihain laban sa dalawa.

Ayon kay Ynares ay hindi dapat makatanggap pareho ng ayuda ang isang mag asawa o live-in partner.

“Kahit na alam nila na bawal ang mag-asawa o live-in partners ay nag-fill up pa rin ng magkabukod na application forms at pareho pa rin nilang kinuha ang pera mula sa DSWD.”¬†sabi ng alkalde ng Antipolo City.

“Sila din po ay parehong nakakuha ng tig 13k nung unang bigayan ng ayuda. Nangangahulugan po na sa araw na ito ay tig 17k na po ang nakukuha nila mula sa DSWD … o kabuuang 34k silang mag live-in partner,”¬†dagdag niya pa.

Hindi pa nagbibigay ng pahayag sila Cruz at Gundran na nakuhanan pa ng litrato matapos tumanggap ng ayuda na halagang apat na libong piso.

Ikinatuwa naman ng ilang netizens ang pagkahuli sa dalawa.

Hiling din ng mga netizens sa Antipolo na mahuli pa ang ibang mga tao na dinaraya ang pagkuha ng ayuda.

 

Facebook Comments