Home Celebrities World-class fashion designer na si Michael Cinco, binanatan si Miss Canada Nova Stevens: “Ang kapal mo!”

World-class fashion designer na si Michael Cinco, binanatan si Miss Canada Nova Stevens: “Ang kapal mo!”

0

Gigil na gigil ang world-class Filipino fashion designer na si Michael Cinco kay Miss Canada Nova Stevens matapos siyang akusahan ng pagiging ‘unprofessional’ sa Miss Universe 2021.

Sa kanyang Facebook post, inilahad ni Cinco  ang mga paninisi na ginawa sa kanya ng kampo ni Miss Canada na naging viral din noon sa Instagram matapos niyang ipakita ang panglalait sa kanya ng mga Pilipino.

Ayon kay Cinco ay nagpapakalat ng maling balita sila Stevens at sinasabi na hindi daw nagkasya ang mga ginawa niyang gown para sa Canadian beauty queen.

“In my whole career as FASHION DESIGNER I have been bashed and criticized a lot of times by many fashion critics and sometimes fellow designers hurl insulting comments on my designs but I deemed them hazards of the trade and just took them all with a grain of salt. But this time I strongly take offense as it involves my team and my credibility. Not to mention, the eventual realization that I have been used and SCAMMED by these low lives PSEUDO GLAM TEAM,” sabi ni Cinco.

Litrato mula kay Michael Cinco

Ipinaliwanag niya sa lahat ng kanyang fans kung ano nga ba ang mga napag usapan nila ng kampo ni Stevens.

Kwento niya ay pinipilit pa nga daw noon pa na gawin na lamang 23″ ang waist line ng gown ni Stevens kahit na ang sukat ng beauty queen ay 26″.

Ngunit hindi pumayag si Cinco dito ang hiling ng kampo ni Stevens.

Itinanggi niya din na sinabotahe niya ang team Canada para matalo ito at ang totoo ay gumastos pa siya para sa pambayad ng photographer para magkaroon pa ng exposure si Stevens.

Ipinag kumpara niya pa si Miss Canada sa mga ibang beauty queen na todo pasalamat sa kanya dahil sa mga gown na likha niya.

“STOP blaming me for Nova’s not making it to the Top 21 in Miss UNIVERSE. In fact, she did not wear my gown to the prelims as you were earlier posting that she will wear another gown,” banat ni Cinco.

“I dressed up most A-List HOLLYWOOD Celebrities, Royalties and wealthiest clients all over the world and they only have ONE RULE in fashion…IF THE DRESS DON’t FIT, DON’T WEAR IT!!! SIMPLE AS THAT. GET IT??? And mind you all of them know how to say THANK YOU…” dagdag niya pa.

Ibinuking pa ni Cinco na tatlong taon na pala siyang “ginagamit” ng Miss Canada organization para damitan ang kanilang mga kandidata ng walang bayad kahit singkong duling.

“I DON’T NEED YOU in my career. Dressing up your candidates WILL NOT HELP MY BUSINESS and I was just very kind to you…STOP scamming FILIPINO designers…HOW DARE YOU…SHAME ON YOU and your whole CANADIAN Team,” ani Cinco.

 

Facebook Comments