Home Celebrities Anak ni Paolo Ballesteros na si Keira, tanggap ang pagkatao ng kanyang ama: “

Anak ni Paolo Ballesteros na si Keira, tanggap ang pagkatao ng kanyang ama: “

0

Ikinatuwa ng komedyante na si Paolo Ballesteros na natanggap ng kanyang anak na si Keira ang kanyang pagkatao.

Ibinahagi ni Paolo sa isang press coneference na hindi man nag tatanong si Keira na kanyang anak sa ex-girflriend na si Katrina Nevada ay tila alam na nito ang kanyang pagkatao.

“Kasama ko nga siyang nanonood ng Rupaul’s (Drag Race) e. Hindi naman siya nagtatanong, kasi she’s a kid, she’s innocent and yet she gets it. So yun yung maganda doon,” ani Paolo.

Nilinaw niya din na hindi niya na kailangan pang ipagsigawan ang kanyang preference.

“Basta I’m a person. Hindi naman naging isyu sa akin yung panghuhula (ng sekswalidad). Ginagawa ko lang naman yung part ko, yung trabaho ko,” sabi niya pa.

 

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Paolo Ballesteros (@pochoy_29)

Matatandaan na nag viral ngayon si Keira sa social media matapos siyang makapagtapos ng may honors.

“Congrats anak! I love you berigood,” ani Paolo sa kanyang Instagram post.

 

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Paolo Ballesteros (@pochoy_29)

Kahit na hiwalay ang kaniyang mga magulang ay maayos naman daw ang relasyon ni Paolo at ni Katrina.

Bihira lang din magsalita ang komedyante tungkol sa kanyang anak kaya naman tuwang tuwa ang mga netizens kapag nakikita nila si Keira sa mga post ni Paolo.

Hindi naman malaman kung papasok din ba sa showbusiness si Keira.

Facebook Comments