Home Celebrities Vicky Morales, napatawa ang mga netizens matapos magkamali ng kanyang sasabihin: “Hindi natutuli ang balita!”

Vicky Morales, napatawa ang mga netizens matapos magkamali ng kanyang sasabihin: “Hindi natutuli ang balita!”

0

Naaliw ang mga netizens sa pagkakamali ng mamamahayag na si Vicky Morales sa gitna ng kanyang linya sa news program na 24 Oras.

Sa episode ng 24 Oras nitong Mayo 20, 2021 ay bigla na lamang nagulat ang mga manonood ng bigla na lamang magkamali ng linya si Vicky.

Bago kasi matapos ang news program ay na-feature nila ang istorya ng mga binata na tinuli sa gitna ng pandemya.

Dahil dito ay nag usap usap ang mga co-host ni Vicky na sila Mike Enriquez at Mel Tiangco tungkol sa pagtutuli.

“Anong masasabi mo? Hindi namin alam ni Vicky iyan, wala kaming experience diyan, ha.” tanong ni Mel kay Mike.

“Hindi naman tinutuli ang mga babae, e!” sagot naman ni Mike.

Kahit sa kanilang mga pang huling linya ay hindi padin naiwasan ng mga batikang mamamahayag na magbiro sa isa’t isa.

Matapos ang linya ni Mike at Mel na sinasambit nila bago magtapos ang 24 Oras ay dito na nasambit ni Vicky ang kanyang viral na pagkakamali.

“At dahil hindi natutuli… ay natutulog ang balita!” ani Vicky.

Di naman naiwasan mag-react ni Mel at Mike kung saan ay sinita nila ang kanilang co-host dahil sa pagkakamali nito.

Madaming netizens ang nag react sa nasabing video dahil bibihira lamang magkamali sa kanyang linya si Vicky.

Kadalasan ay ang co-host ni Vicky na si Mike ang nagkakamali sa mga sinasabi nito.

Facebook Comments