Home Celebrities Pokwang, ikinadismaya ang mabagal na pagbabakuna sa kanilang lugar: “Kami dito nganga!”

Pokwang, ikinadismaya ang mabagal na pagbabakuna sa kanilang lugar: “Kami dito nganga!”

0

Ikinalungkot ni Marietta Subong o mas kilala sa kanyang alyas na Pokwang ang mabagal na pamamahagi ng bakuna sa kanyang lugar sa Antipolo City.

Sa kanyang tweet, hindi na napigilan pa ni Pokwang na magreklamo dahil ang kanyang mga kaibigan daw na nakatira sa ibang siyudad ay nakatanggap na ng bakuna.

“Haaayyyy kailan kaya kami mapapabakunahan? wait and wait and waiting parin  buti pa yung mga kaibigan ko sa QC, Pasig, Makati, Malabon, Manila, Pasay, Parañque, San Juan, etc… nakapag pa bakuna na kami sa Antipolo, NGA NGA!!!!” ani Pokwang.

Matatandaan na ilang kasamahan ni Pokwang sa show business ang nakatanggap na ng bakuna sa iba’t ibang lugar sa Maynila.

Paliwanag naman ng ilang netizens, mabagal ang pamimigay ng bakuna sa ibang lugar sa Pilipinas dahil kulang naman pa ang supply nito.

Ayon pa sa ilang netizens ay mas maayos pa nga daw ang pamamahagi ng bakuna sa Antipolo.

“Pero kahit na kokonti ang na pupunta na bakuna sa Antipolo, mas marami pa rin itong nababakunahan kung ikukumpara sa ibang NCR cities. Mas maayos at organized,” sabi ni netizen @rellybernardo.

Sa ngayon ay mayroon ng 3.3-M na doses na naipamahagi sa buong bansa habang 787,000 na katao naman ang maikokonsidera na fully vaccinated.

Facebook Comments