Andrea Brillantes, humiling ng regalo na kabayo at mamahaling blender para sa pasko

0

Ibinuking ni dating PBB teen housemate na si Seth Fedelin ang mga regalo na gusto sanang matanggap ng aktres na si Andrea Brillantes sa pasko.

Sa panayam sa kanila ni Toni Gonzaga ay ikinuwento niya ang mga pinaghihingi noon ni Andrea na ikinagulat niya ng lubos lalo na’t hiniling niya ito sa gitna ng pandemya.

Ayon kay Seth ay pinaalalahanan niya si Andrea na maging praktikal at wag manghingi ng magagarbong regalo.

Ilan sa mga hiningi daw ni Andrea ay isang ‘kabayo’ at blender na nagkakahalaga ng 50,000 pesos.

“Gusto niya pong regalo, kabayo, totoong kabayo talaga, ilalagay niya daw po sa bahay nila,” kwento ni Seth.

“’Yung blender na ‘yan, 50k po yung presyo. So, sabi ko sa kaniya, ‘ECQ ngayon, maging praktikal muna tayo. Saka na yung blender blender na ‘yan. Pwede ka naman bumili nu’ng standard lang na blender,” dagdag niya pa.

Nilinaw naman ni Andrea na maliit lamang na breed na kabayo ang kanyang gusto na kung tawagin ay “pony”.

Kaya naman daw umabot ng 50,000 ang nasabing blender ay ‘yun daw kasi ang mga ginagamit sa mga coffee shop.

Itinanggi naman ni Seth na nagiging maluho na si Andrea, pero gustong gusto daw talaga ng aktres na makatanggap ng nasabing blender.

Patok na patok sa mga netizens ang tambalang Seth at Andrea at lalo pang kinilig ang kanilang mga fans matapos nilang aminin na sila ay “special friends” na.

Facebook Comments
Previous articleVicky Morales, napatawa ang mga netizens matapos magkamali ng kanyang sasabihin: “Hindi natutuli ang balita!”
Next articleBakuna mula daw sa Mandaluyong at San Juan LGU, ibinebenta daw sa halagang 8,000-15,000 pesos
Rodrigo Extramadura is a Computer Engineering graduate who found his real passion in writing and following the daily happenings in the country.