Home Celebrities Toni Fowler, may mensahe sa mga netizens matapos siyang mahuli dahil sa paglabag sa health protocols

Toni Fowler, may mensahe sa mga netizens matapos siyang mahuli dahil sa paglabag sa health protocols

0

Usap usapan ngayon sa social media ang pagkahuli sa vlogger na si Toni Fowler at kanyang kapatid na si Mari dahil sa paglabag nila sa health protocols.

Dinumog kasi ang meet-and-greet na kanilang inorganisa para sana i-promote ang Fowler Sisters Online Palengke kung saan ay ang mga produkto nila ay mga frozen foods.

Kapalit ng pagbili ng 500 pesos na produkto sa kanila ay may pagkakataon ang mga followers niya na makapagpa picture sa vlogger.

Ayon kay Toni ay 50 lamang ang nakarehistro para sa kanilang meet and greet ngunit ikinagulat nila ng dumugin ito ng kanilang mga fans.

Dahil dito ay pinanagot at pinag multa ng 5,000 piso ng lokal na pamahalaan ng Quezon City ang vlogger.

Aabonohan din niya ang mga penalty ticket na natanggap ng mga dumalo niyang followers.

Humingi naman ng tawad si Toni sa mga netizens dahil sa kanyang nagawa.

“Gusto lang po namin mag-explain at humingi ng public apology at maging pangit na halimbawa para hindi gayahin ng ibang social media artist o kung sino pong mag papa event. Humihingi po kami ng pasensya,” ani Toni.

Ngunit hindi pa natatapos dito ang problema ni vlogger dahil maari pa silang managot kung sakali man na magkahawaan ang mga bumista sa kanyang meet-and-greet.

Sinabi naman ng mga opisyal ng Barangay E. Rodriguez na hindi nakipag ugnayan si Toni sa kanila tungkol sa meet-and-greet.

Iginiit nila na mas madami pa sa 50 katao ang pumunta sa nasabing pagtitipon ngunit kakaunti lamang ang kanilang nahuli dahil ang iba ay nakatakas na bago pa sila dumating.

Facebook Comments