Home Celebrities Olivia Culpo nagsalita na matapos gawing katatawanan sa social media ng mga netizens

Olivia Culpo nagsalita na matapos gawing katatawanan sa social media ng mga netizens

0

Sa unang pagkakataon ay nagsalita na ang Miss Universe 2012 na si Olivia Culpo matapos kumalat sa social media ang mga meme tungkol sa kanya.

Matatandaan na si Olivia din ang naging host ng Miss Universe 2021 at madaming netizen ang pinuna ang tila’y lack of energy niya sa nasabing beauty pageant.

Napansin din nila ang tila kakaibang face expression ni Olivia nung binabasa niya na kung sino ang tinaguriang Miss Universe ngayong taon na ito.

Sa kanyang Instagram story ay ipinaliwanag ni Olivia kung bakit tila kakaiba ang naging ekspresyon niya habang binabasa ang resulta.

Paliwanag niya, masyado niyang sineryoso ang pagbabasa ng nasabing resulta dahil ayaw niyang magkaroon ng pagkakamali sa kanyang sasabihin.

Itinanggi niya din na hindi niya nagustuhan ang resulta ng Miss Universe ngayong taon kaya’t ganoon ang kanyang naging itsura habang binabasa ang resulta.

“I don’t think I have ever concentrated so hard on reading in my life than when announcing the winner of Miss Universe this weekend. I was so terrified of reading the wrong country,” ani Olivia.

“Apparently, I need to work on my reading face and I’m sorry if this was misinterpreted in any type of way. I swear I’m just concentrating on the words. Every girl was beautiful and most importantly so sweet and kind,” dagdag niya pa.

Maalala na noong 2015 ay naging kontrobersiyal ang host na si Steve Harvey matapos siyang magkamali ng inanunsyong Miss Universe.

Imbis na ang beauty queen na si Pia Wurtzbach ang inanunsyong Miss Universe ay ang Miss Colombia noon na si Ariadna Gutiérrez ang nabanggit ni Steve.

Hindi din pinalampas ni Olvia ang pagkakataon na magbahagi ng meme tungkol sa kanyang sarili.

Hindi naman pinansin ni Olivia ang mga taong bumatikos sa kanyang hosting.

 

Facebook Comments