Home Celebrities Ruby Rose “Mystica” Villanueva, minura si Jam Magno dahil kay Rabiya Mateo: “Hindi bababa si Rabiya sa level mo!”

Ruby Rose “Mystica” Villanueva, minura si Jam Magno dahil kay Rabiya Mateo: “Hindi bababa si Rabiya sa level mo!”

0

Hindi na nakapagpigil pa ang dating aktres na si Ruby Rose Villanueva, o mas kilala bilang Mystica na banatan ang vlogger na si Jam Magno.

Matatandaan na naging usap usapan sa social media si Jam dahil sa mga banat nito laban sa pambato ng Pilipinas sa Miss Universe 2021 na si Rabiya Mateo.

Game na game naman si pakikipag-englishan si Mystica kay Jam at sinabi na hindi naman daw dapat lagi ay papabor tayo sa mga sinasambit ng kanilang mga idolo.

Naniniwala siya na hindi daw papatulan ni Rabiya si Jam dahil hindi naman daw sila magkalevel.

“Ikaw kaya ang maging kandidata ng Miss Universe in order to represent the Philippines, it takes a lot of energy, it takes a lot of guts, it takes a lot of intelligence, it takes a lot of strong determination, it takes a lot of intellectual being na walang wala ka,” hamon ni Mystica sa nasabing vlogger.

“Akala mo kapag nakapag ingles ka na ‘yun na ‘yon? It’s not how you define somebody who’s really genius, you don’t even a little of quality that would level to her,” dagdag niya pa.

Dapat daw ay bilang isang Pilipino ay sinuportahan nalang ng vlogger si Rabiya imbis na batikusin ito.

Pabor din si Mystica sa sinabi noon ni Rabiya na may kakayahan ang mga kababaihan na maging lider ng bansa.

Sa pambihirang pagkakataon ay madami namang ang pumabor kay Mystica.

“Good Job Mystica. Put that maligno in her right place,” ani Pinoy Superstars TV.

“Nakakita din ng katapat c jam. She will reap what she sow miss Mystica. Mataas tingin nya sa sarili nya at tapakan Ang mga tao at c Rabiya,” sabi naman ni Luxtra Vent.

Hindi pa pinapansin ni Jam ang mga sinabi sa kanya ni Mystica.

Facebook Comments