Home Celebrities “Kasal na?” Miss Universe Andrea Meza, pinag uusapan dahil sa diumano’y litrato nito habang naka wedding dress

“Kasal na?” Miss Universe Andrea Meza, pinag uusapan dahil sa diumano’y litrato nito habang naka wedding dress

0

Hanggang ngayon ay palaisipan padin sa ilang netizens ang kumakalat na larawan ngayon ng tinaguriang Miss Universe 2021 na si Andrea Meza ng Mexico.

Sa nasabing larawan kasi ay makikita si Andrea habang may soot na wedding dress kasama ang isang lalaki.

Kuha ang larawan sa isang tourist spot sa Chiuahua, Mexico.

Napaisip tuloy ang mga netizens kung kasal na nga ba noon pa ang 26-anyos na beauty queen sa model na si Jorge Saenz na kasama niya sa litrato.

“I am immensely grateful to God for giving me the opportunity to meet her at this moment and to cross our path.” mensahe ni Jorge na kadikit ng nasabing litrato.

“Today a new stage in our lives begins and I am sure that sharing everything with you will make me the happiest person in the world.” dagdag niya pa.

Binago ni Jorge ang caption ng mga larawan matapos itong kumalat sa social media.

Ngunit itinanggi ng kampo ni Andrea na kasal na ang beauty queen at ang mga litrato ay parte lamang ng isang programa para i-promote ang Chihuahua, Mexico.

Ipinagtanggol din ni Jorge si Andrea mula sa mga kritisismo ng mga tao na tila naniniwala na kasal na sila.

“That photo is from 2019, and it is not edited. It was just a joke. Check @achihuahua profile.” paliwanag ng model.

Nilinaw din ni Jorge na magkaibigan lamang sila ni Andrea at kapatid lamang ang turing niya sa kanya.

“One of the photos we took was of a wedding, which Andrea and I posted on our profiles. Andrea is a friend of mine and [like] my sister. They were taking things out of context. These photos are old and Andrea is just my friend.” sabi pa ni Jorge ayon sa pahayagang The Sun.

Mahigpit na ipinagbabawal na maging Miss Universe ang isang beauty queen na kasal na pala bago pa mangyari ang nasabing patimpalak.

Noong 2019 ay inalisan ng titulo bilang Miss World ang isang beauty queen sa Ukraine dahil kasal na pala ito ay mayroon ng anak bago pa siya sumali sa nasabing pageant.

Facebook Comments